CHAPTER 2

96 10 0
                                    

SUNSHINE POV:

“Cinzia, anak bakit naman ganun ang naging asal mo sa kaibigan mong si Anastasia?” malumanay na saad ni Mommy. At nagpanggap lamang ako na kunware ay wala akong naririnig. Nakatagilid kasi ako at paharap a ang pagkakahiga ko.“Anak, kinakausap kita.” saad muli ni Mommy at saka na ako bumaling sa kanya.

“Wala po ako sa mood na makipag-usap sa kahit na sino. Makakalabas na po kayo.” seryosong pagkakasabi ko. Saka ako muling tumagilid. Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Mommy sa gilid ng kama ko.

“Anak, wag ka sanang tuluyan na mawalan ng pag-asa dahil sa sakit mo.” malumanay na saad ni Mama. Kaagad naman tumulo ang luha ko na kanina ko pa iniipon.

“Doctor na nga ang may sabi diba? mamatay na ako. I only have 90 days left.” saad ko.

“Gagaling ka anak, magtiwala at maniwala ka lang sa maykapal. Gagaling ka.” garalgal na boses ni Mommy.“Hindi mo pa iiwan si Mommy, mahal na mahal kita anak. Kaya sana, tatagan mo lang din ang loob mo.” saad muli ni Mommy saka n'ya ako hinagkan sa pisngi bago s'ya lumabas ng silid ko.

Ako naman ay nagpatuloy sa pag-iyak.

——

Ngayon ay nakasandal ako sa headboard ng hospital bed ko, habang nakatanaw ako bintana. Minamasdan ko ang mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid.

Ngunit agad akong napasulyap sa gawing kaliwa ko ng makarinig ako ng yabag.

“S-Sino ka?!” agad kong tanong sa lalakeng estranghero na nasa harapan ko. Nakasuot s'ya ng kulay grey na jacket na may hood at black jogging pants.

“H-Hi.” nakangising saad n'ya.

“Anong ginagawa mo sa silid ko? paano ka nakapasok?” labis na pagtataka ko.

“Ah sa pintuan ako dumaan.” nakangising sagot n'ya.

“Mukha ba akong nakikipagbiruan?” sarcastic na saad ko.“Nurse! Nur---” hindi ko na naipagpatuloy ang pagsigaw ko ng bigla na lamang n'ya takpan ang bibig ko gawin ang kamay n'ya.

“Ssshh..wag ka maingay.” mahinahong saad n'ya habang natakip parin ang kamay n'ya sa bibig ko. Kaya naman pilit kong inaabot ang libro na nakapatong sa maliit na drawer na nasa gilid ng hospital bed ko. Saka ko 'to hinampas sa kanya, kaya agad din n'yang inalis ang kamay n'ya mula sa pagkakatakip sa bibig ko.

“Sino ka ba talaga? may balak ka bang masama sa'kin? balak mo 'kong patayin? gahasahin? my god naman, hindi mo ba nakikita sitwasyon ko ngayon? mamamatay na ako tapos pag-iisapan mo pa 'ko ng masama?!” sermon ko sa kanya.

“T-Teka, nasaang silid ba ako?” labis na pagtataka n'ya saka s'ya nagtungo sa may pintuan upang tignan ang numero. Ngunit agad din s'yang bumalik sa'kin.“P-Pasensya kana, nagkamali pala ako ng kwartong napasukan.” mahinahong saad n'ya.

“Tingin mo maniniwala ako sa'yo? ang laki ng mga numero na nakalagay sa bawat pintuan tapos magkakamali ka pa? are you fucking kidding me?!” sarcastic na saad ko.

“S-Sorry talaga Miss, nagkamali lang talaga ako ng napasukan na silid.” muling paghingi n'ya ng paumanhin.“S'ya nga pala, ako nga pala si Geoffrey. Geo na lang for short.” pagpapakilala n'ya sa sarili n'ya sabay lahad ng kamay sa'kin. Ngunit tinignan ko lang s'ya ng masama.

“Get out.” seryosong pagkakasabi ko.

“Pero hindi ko pa nalalaman ang pangal---”

“I said, get out!” pasigaw kong pagkakasabi at agad naman s'yang napakamot sa kanyang ulo.

“Oo na ito na nga eh, lalabas na. Wag kana magalit.” nakangising saad ni Geoffrey at agad ng lumabas ng silid.

——

<Central Park>

ANASTASIA POV:

“Pagpasensyahan mo nalang ang kaibigan mo, anak. Alam mo naman na may sakit s'ya.” mahinahon na saad ni Mommy mula sa kabilang linya.

“Yun na nga po ang ginagawa ko. Kahit gusto ko narin umiyak sa harapan n'ya kanina. Pero pinigilan ko po ang sarili ko. Marahil ay naninibago lang po ako sa ikinikilos n'ya ngayon. Nasanay kasi ako na lagi s'yang nakangiti, lagi s'yang masaya at higit sa lahat ay lagi kaming magkausap. Pero ngayon...” halos hindi ko na maituloy ang pagsasalita matapos na umagos ang luha mula sa aking mata pababa sa aking pisngi.

“Anak, magpakatatag ka rin. Wag mo ipakita o iparamdam sa kaibigan mo na sumusuko kana. Dahil ngayon ka n'ya mas higit na kailangan. Tayo ng pamilya n'ya, kailangan n'ya tayo.” saad ni Mommy.

“Gagaling pa po kaya si Sunshine, Mom?” malungkot na tanong ko.

“Tanging ang diyos lamang ang nakakaalam.” saad ni Mommy.

“Sana hindi pa s'ya kunin sa'tin. Si Sunshine lang ang nag-iisang kaibigan ko, hindi ko kakayanin kapag nawala s'ya.” naiiyak na saad ko.

LADY IN YELLOW (RAINBOW SERIES #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant