PROLOGUE

135 9 0
                                    

“Happy Birthday!!” masayang pagbati sa'kin ng aking pamilya gayundin ang aking ilang malalapit na kaibigan.

“Maraming salamat.” masayang saad ko.

“Oh! Blow mo na 'tong candle, bago pa man malusaw. Pero siyempre, dapat mag-wish muna ang birthday girl namin na dalagang-dalaga na.” nakangising saad ni Mommy hawak ang cake.

Ipinikit ko ang aking mata saka ako humiling.

Sana, maraming candles pa ang ma-blow ko tuwing birthday ko.

Ilang saglit pa ay idinilat ko na ang mata ko kasabay ng pag-ihip sa kandila, pagkatapos ay masaya silang nagpalakpakan.

“Sissy, here's my gift.” masayang saad ni Anastasia sabay abot ng regalo n'ya sa'kin.

“Pati gift wrapper, kulay yellow ah.” natatawang puna ko.

“Siyempre, favorite color mo.” nakangising sagot naman n'ya.

“Salamat.” saad ko saka ko s'ya niyakap.

“Sunshine anak, may pasa kana naman. Saan ba galing 'yan? at napapansin ko 'yata na dumarami 'yung pasa mo sa katawan.” puna ni Daddy ng may pag-alala. Agad ko naman sinipat ang braso ko.

“Wala lang 'to Dad, baka tumama lang kung saan.” nakangising saad ko.“Tara, kain na po tayo.” segway ko.

Ilang saglit pa, habang naglalakad ako patungo sa long-table kung saan nandoon na nakalagay ang mga handa ko, naramdaman ko na parang may likido na lumabas sa ilong ko kaya agad ko 'to pinunasan ng hawak kong panyo. Gayon na lamang ang pagkabigla ko maging si Anastasia na nasa harapan ko ng makita ko ang dugo sa panyo ko na galing sa ilong  ko.

“Oh my god! nagno-nosebleed ka Sunshine!” tarantang saad ni Anastasia. Agad naman akong nilapitan nila Mommy.

“Sunshine ayos ka lang?” may pag-aalalang tanong ni Mommy.

“O-Opo, siguro may sugat lang sa loob ng ilong ko kaya dumugo ito.” saad ko.

“Maupo ka muna dito, tapos tumingala ka, para magtigil sa paglabas ng dugo.” saad ni Tita Marife. At agad naman ako naupo saka tumingala gaya ng sabi n'ya. Ilang saglit lang ay natigil na nga sa paglabas ng dugo mula sa ilong ko.

“Gusto mo, magpunta tayo ngayon sa doctor? para alam natin kung anong nangyayari sa'yo anak.” pag aalalang saad ni Mommy.

“Wag na po, ayos lang po ako. Wala po kayong dapat na ipag-alala sa'kin.” paninigurado ko.

“Pero anak...”

“Mom, ayos lang po talaga ako. Birthday ko ngayon kaya dapat nag e-enjoy lang tayo.” nakangiting saad ko. Hinagkan naman ako ni mommy sa noo saka ako niyakap.

——

Kinagabihan, kasalukuyan akong nakahiga sa kama ng muli na naman dumugo ang ilong ko kaya dali-dali ko 'tong pinunasan ng panyo.

Tatayo sana ako pero bigla nalang nanghina ang mga tuhod ko kaya agad akong napasubsub sa sahig.

“A-Anong nangyayari sa'kin. B-Bakit nagkakaganito ako?” pagtataka kong tanong sa sarili ko.

“Anak! anong nangyari sa'yo d'yan? bakit may kumalabog?” rinig kong sigaw ni Mommy, mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

“W-Wala po, nahulog lang 'yung cellphone ko. Ayos lang po ako.” pagsisinungaling ko, habang nakaupo parin ako sa sahig dahil nahihirapan akong makatayo.

“Sigurado ka ba? buksan mo 'tong pintuan.” paninigurado ni Mommy.

“O-Opo sigurado po ako. Matutulog na po ako Mommy, good night po.” saad ko.

Pagkatapos ay kumapit ako sa gilid ng kama ko upang tulungan ang sarili kong maitayo. Hindi ko alam kung bakit nanglalambot ang mga kasu-kasuan ko. Napapadalas din ang pagdurugo ng ilong ko, gayundin ang paglabas ng mga pasa sa iba't ibang parte ng katawan ko.

Lumipas pa ang mga araw, ay nagpatuloy parin ang panghihina ko. Kaya naman napagdesisyonan na nila Mommy at Tita Marife na dalhin ako sa hospital. At doon napag-alaman na may Leukemia ako.

LADY IN YELLOW (RAINBOW SERIES #3)Where stories live. Discover now