40

60 27 0
                                    

Chapter forty: Reunion with the father


"Yes, ma." Sabi ko at kinuha si Asher sa kamay niya.


"Ryota ikaw nga magbitbit nung gamit." Inis na sabi ko.


Nakakastress naman kasi to, dapat pala bukas niya tinawagan para hindi biglaan ang pagsundo kay Asher. 30 minute drive din kaya ang lugar nila mama.


"Love, ako kaya. Kailan mo ko bibigyan ng baby?" Tanong niya kaya hinampas ko siya sa braso.


"Pag thirty years old na ko." Biro kong sagot.


Lumabas na kami ng bahay mama at sumakay na sa kotse.


"Asher, baby." I said in a cute voice. "Guess who's going to meet his daddy later?"


Bigla niyang itinuro ang sarili niya, "very good baby. You will meet him."


Pinatawa ko lang ng pinatawa si Asher hanggat sa makatulog ito sa braso ko.


"You'd be great as a mother." sabi niya habang tinitingnan ako na hinehele si Asher.


Natawa lang ako sabay iling.


Stable life first, before settling.


Iyan lagi ang sinasabi ko sa sarili ko. Handa naman na akong mag-move forward and explore new things beside from this lifestyle.


Gusto kong magkaroon ng normal at simpleng pamilya. Kaya pag nagpakasal na ako, that's the time where I'll resign.


"Love, are you listening?"


"Yes." mabilis kong sagot, may kausap nga pala ako sa kotse at bawal palutang lutang ang utak ngayon.


Bahagya siyang natawa sa sinabi ko bago i-on ang auto-pilot ng kotse.


Magsasalita na sana siya pero inunahan ko siya.


"Penny for your thoughts?" Alam ko na kasi na itatanong niya yun kaya ako na ang nauna.


Tumawa siya bago hawakan ang pisngi ko.


"What are you thinking about?"


Umiling ako, "nothing. Just our future, and all about random stuffs."


Tumango siya bago siya magmaneho ulit.


Nakarating kami sa bahay at sila Hailey hindi manlang nagayos. They're all in sweatpants.


But one girl caught my attention.


Ang ganda ni Kaelyn.


She wore a black, backless dress with gray heels.


"Ano ate? Lalaitin mo nanaman ako?"


Natawa ako, lagi ba akong nanlalait? Ang bait bait ko kaya.


"No." sagot ko. "You actually look... Decent." Umupo ako sa upuan dahil gumagalaw na si Asher.


Magigising na to maya maya.


"Anong oras mo ba kasi pinapunta si Gavin?" Tanong ni Cassian.


"He should be here in less than 30 minutes."


Nagising na ng tuluyan si Asher kaya umakyat ako sa kwarto namin.


"Ryota!" Sigaw ko.


Mabilisan siyang umakyat.


"Yes, Love? Did something happen?"


"Walang nangyari, but could you please fix the crib? Ilalagay ko don si Asher."

Without One Blood. | Mafia Series #2Where stories live. Discover now