30

58 27 0
                                    

Chapter thirty: Masquerade ball 5


Lahat nagkagulo simula nang magpaputok si Austin ng baril sa loob ng casino. 


Pero kaming lima, nagiisip pa din. Kasi nakasalamuha na namin si Ravenna. Pero hindi pa namin nahuli. At hindi namin nakita ng maayos. Or was it really her? 


Bakit iba ang itsura ng katawan niya? Baka nagpapanggap lang siya bilang Ravenna. 


"Snap out of it guys! Hindi si Ravenna yun. It's just a distraction. I'm sure kakampi din yun ni Austin." Sigaw ni Riley sa earpiece. 


Kumuha ako ng baril sa ilalim ng dress ko at ikinasa yun. 


"Spread out!" Sigaw ko dahil hindi na kami magkarinigan dito dahil puro putukan na ng baril ang naririnig namin. 


May lumapit saakin pero binaril ko yun sa ulo agad, kailangan na namin mahanap si Austin. At aalamin namin kung sino talaga ang nasa ilalim ng maskara ng babaeng yun. 


"Hailey get in to position." Sabi ko sa earpiece, nakita ko namang umakyat na siyas a vip room. 


May humila sa paa ko pero agad kong inapakan yung kamay nun at sinuntok sa mukha bago bgarilin sa puso. 


Nahulog yung baril ko at may tatlong lalaking parating saakin kaya it's impossible to get a new gun from my dress. 


Kinuha ko nalang yung kutsilyo sa buhok ko, at hiniwaan yung isang lalaki. Nasipa naman ako sa sikmura nung isa kaya napaupo ako sa sahig. Agad ko naman tinadyakan yung mga yun. 


Agad naman sila natumba, kaya nilingon ko kung saan nanggaling yung bala. Kay Hailey, she sniped it. Nice. 


Kumuha ako ng baril and I reloaded it. 


May anim na papunta sa likod ni Cassian na nakikipag barilan sa dalawa. 


"Behind you!" Sigaw ko, agad naman siyang nakaiwas doon at binaril yung tatlo pero nawalan siya ng bala. Agad siyang umiwas sa bullet na papunta sa gawi niya. 


Lumapit naman si Maeve sa kanya at tinapos yung tatlo pang lalaki. 


Tatakbo na sana si Maeve pero biglang may sumakal sa kanmya at tinutukan ng baril sa ulo. 


Si Austin. 


"Stop firing!" Sigaw niya. 


Agad lumapit yung isang babaeng nakamaskara at tinaggal iyon. 


Yvethe.


"Walang gagalaw kung ayaw niyong mamatay tong si Maeve" Sabi niya at tinutukan pa ulit ng isa pang baril. 


Naalala ko na kayang mag-german ni Maeve. 


"Maeve, do you think they could speak german?" Tanong ko and I smirked. 


"Sabihin mo play dead." Bulong ko kay Cassian kasi may dugong german din to eh. 


"Stell dich tot!" Sigaw ni Cassian at pinutok ko naman yung baril ko kay Maeve. Don't worry hindi siya natamaan. 


"What the fuck? Sarili niyong kakampi pinapatay niyo na ngayon?" Sabi ni Austin. 


"She's not dead! Look!" Sigaw ni Yvethe, pero huli na nang paluin ni Hailey ng malakas si Yvethe sa ulo para matulog ganun din ang ginawa namin kay Austin. 


"Alert, Austin and Yvethe are down. Requesting back up." Sabi ng isa nilang kakampi pero pinutukan ko na agad yun ng bala. 


May inabot saakin si Maeve it is a bomb. 

Without One Blood. | Mafia Series #2Where stories live. Discover now