Chapter 26

7.1K 235 20
                                    

[DANIELLA'S POV]

“Ano girl, hanggang ganyan ka na lang? Iiyak ka na lang lagi samantalang meron ka namang pwedeng gawin? Lumaban ka dahil ang mundo ay isang malaking Quiapo. Mang-agaw ka!” pagtatalak ni Barbie kay Daniella isang gabing naabutan siya nina Mel na tahimik na umiiyak sa may bar counter ng bahay niya kung saan karamay niya si Johny Walker.

“Hinawakan naman ni Mel ang isang kamay niya. “Alam mo girl, hindi ko personal na kilala si Travis at lalong hindi ko alam kung ano ang naging nakaraan niyo. Pero ito lang ang maipapayo ko sa iyo, kung talagang mahal mo siya, ipaglaban mo. Kung hindi pa naman siya kasal uli, pwede mo pa siyang ipaglaban. Huwag kang magmukmok dito sa bahay.

“Harapin mo si Travis. Kausapin mo siya. Kung talagang mahal mo ‘yung tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya. At hindi porke’t babae ka, wala ka nang karapatang ipaglaban ang nararamdaman mo. Walang masama kung ikaw ang unang mage-exert ng effort dahil kaligayahan mo habang buhay ang nakataya dito. Minsan kailangan nating lunukin ang pride natin para makasumpong tayo ng kaligayahan. Huwag mong hayaang basta-basta na lang na mawala sayo ang taong dahilan ng kaligahayan mo. Remember, isang beses lang tayo mabubuhay.”

Parang may namuong bikig sa lalamunan niya dahil sa sinabing iyon ni Mel. Hanggang sa hindi na niya napigilan pa ang muling pagtulo ng mga luha niya.

Si Travis ang dahilan kung bakit nitong mga nakaraang araw ay lagi na lang siyang malungkot. Wala na nga itong asawa, may girlfriend naman ito. Ang masaklap pa, si Bless na kapatid niya ang girlfriend nito.

Minsan gusto niyang magtampo sa langit. Isang bagay lang naman ang matagal na niyang hinihiling noon pa man, at iyon ay ang makamtan ang pagmamahal ni Travis. Pero bakit lagi na lang iyong ipinagkakait sa kanya? Noon at ngayon, hindi pa rin niya magawang maangkin nang tuluyan si Travis.

Pero tama si Mel. Hindi niya pwedeng basta-basta na lang na isuko ang pagmamahal niya para kay Travis.

That night, bago siya matulog ay isang pasya ang nabuo sa isip niya. She will fight for Travis’ love.

_____

Please don't forget to VOTE. Thankies! :)

Confessions of a Fashion Blogger [COMPLETED]Where stories live. Discover now