Chapter 13

7.4K 249 1
                                    

[DANIELLA'S POV]

__________

Dear Diary,

Nalilito ako sa nararamdaman ko simula pa kaninang umaga. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing magdidikit ang mga kamay namin ni Travis ay bigla na lang akong napapapitlag. Na para bang may kuryenteng tumutulay mula sa kamay niya papunta sa kamay ko.

At bakit hindi ako makatitig sa kanya nang diretso sa tuwing titingnan niya ako sa mata? Bakit nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pagkailang? Hindi ba’t ilan lang ito sa sintomas na nararamdaman ng mga babaeng unti-unti nang nagkakagusto sa isang lalaki?

Nagkakagusto na ba ‘ko kay Travis? Aminado akong gwapo siya… pero hindi ko siya type. Well, at least, hindi ko type ang porma niya. ‘Yun lang naman ang kapintasan nito. But other than that, Travis is a good looking man. Pero nangako ako sa kanya na kahit anong mangyari, hindi ako magkakagusto sa kanya. Na hanggang kaibigan lang ang magiging turing ko sa kanya.

Well, siguro ay dapat ko na lang ituon ang atensyon ko sa nalalapit na pagsisimula ng kompetisyon. Marami kaming dapat gawin ni Travis para ako ang tanghaling ultimate young fashion blogger sa taong ito.

First thing that we have to do tomorrow is to buy new set of clothes for Travis. Afterwhich ay kailangan ko namang turuang makipag-socialize sa ibang tao si Travis. Hindi ko pa alam kung ano ang pinakamagandang way para turuan ko siyang maging sociable. Well, siguradong makakaisip din ako ng magandang paraan sa mga susunod na araw.

At kailangan din naming paghandaan ang photoshoot next month. Yeah, nakakaloka! May photoshoot pa talaga. At ang mas nakakaloka, hindi lang si Travis ang maga-undergo ng photoshoot. Dahil nga mag-partner kami, syempre kasama ako. Kaya ko kayang mag-project sa harap ng camera?

Well, let’s see…

Confessions of a Fashion Blogger [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon