Chapter 15

7.9K 338 3
                                    

[DANIELLA'S POV]

_______________

KINABUKASAN.

“Barbie, ikaw na ang bahala kay Travis, okay? Pakisabi kay Mel siya na ang mag-decide kung anong hairstyle ang babagay kay Travis,” muling bilin ni Daniella kay Barbie. Actually, kanina pa niya iyon nasabi dito. Inuulit-ulit lang niya at parang hindi nakikinig sa kanya si Barbie. “Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko, bakla ka?”

“Oo nga. Kanina ka pa paulit-ulit, eh. Para kang sirang plaka.”

“Kinaklaro ko lang. Para kasing hindi ka nakikinig, eh.”

“I got it na madam. Aalis na ako. Okay? Babush!” paalam ni Barbie saka nagmamadaling lumabas ng bahay.

“Sige, mag-iingat kayo.”

Pagkalabas ni Barbie ng pinto ay saka lang siya parang nakahinga nang maluwag. At least wala na siyang mabubungangaan dahil mag-isa na lang siya sa bahay. Ang totoo ay pwede namang siya ang sumama kay Travis sa salon nang kaibigan niya. Pero may mga dapat siyang gawin para sa araw na iyon kaya nagpasya siyang si Barbie na lang ang pasamahin dito.

She was having lunch when she received a call from her good friend, Celebii. “Hello mars! What’s up?” bungad agad sa kanya ng kaibigan nang sagutin niya ang tawag.

“I’m fine. Napatawag ka, mars?” Celebii became her friend when they both attended an event last year at the World Trade Center.

Narinig niyang parang ngumuya muna si Celebii sa kabilang linya bago muling nagsalita. “Invite sana kita this coming Saturday, mars. Dito lang naman sa condo.”

“Anong meron?”she asked in between biting her nails. Hindi siya makapag-decide kung anong template ang gagamitin niya para sa blogsite na ginagawa niya. Should it be simple or a li’l bit complicated?

“Scream party. Post-halloween celebration. Jon Lucas will be there, too,” excited na bulalas ni Celebii.

“Jon Lucas? Who is he?” clueless na tanong niya. Hindi niya kilala ang pangalang binanggit nito.

Napapalatak naman sa kabilang linya si Celebii. “Ano ka ba mars? Jon Lucas plays the role of Dominic in Got to Believe. Yung karibal ni Joaquin kay Chichay.”

Alam niya ang palabas na Got to Believe at alam niya ring si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang mga bida sa naturang soap opera pero hindi siya aware sa iba pang mga characters dahil madalang naman siyang manood niyon. Or should she say, madalang siyang magbukas ng TV.

Confessions of a Fashion Blogger [COMPLETED]Where stories live. Discover now