Chapter 18

8.1K 288 4
                                    

[DANIELLA'S POV]

Dear Diary,

Kung gaano ko kagustong kalimutan ang halik na namagitan sa amin ni Travis, kabaliktaran naman ‘nun ng nangyayari sakin. Pilit pa rin iyong umuukilkil sa isip ko sa tuwing nag-iisa ako. Naalala ko kung paanong naglapat ang mga labi namin ni Travis habang nakakandong ako sa kanya. And I swear to God na hindi ko sinasadyang umakyat ang mga kamay ko papunta sa leeg niya. It was an act aimed to protect myself. Yes, that’s it. Kung hindi ako hahawak sa leeg ni Travis, sa sahig ako pupulutin.

But then again, I should also acknowledge the fact na nag-enjoy ako sa kiss na pinagsaluhan namin ni Travis. And it could have led to another thing kung hindi lang muling gumiit sa isip ko ang sinabi nito ilang linggo na ang nakakaraan. Ang hirap palang tumugon sa isang maalab na halik lalo na kung iniisip mong bawal kang ma-in love sa taong kahalikan mo.

We’ve already talked about that kissed. Pero wala siyang matandaan na hinalikan niya ako. Gusto kong magtampo at ipaalam sa kanya kung paanong nagulo ang mundo ko dahil sa halik na ‘yun. Pero hindi ko kaya.

Anyway, I’d better get going. Ngayon ang araw ng photo shoot namin nina Travis para sa catalogue ng Metro Image Philippines. At malaking percentage ng magiging score ng judges ang kukunin mula sa photo shoot na ‘to. Ilang araw na lang ay final judging na. Pressure! But for now, i-enjoy ko na lang muna ang magandang view ng Laiya, Batangas.

Paglabas ni Daniella sa cottage na tinutuluyan niya ay nakita niya si Travis na mag-isang naglalakad malapit sa dalampasigan. Walang sinumang makakakita dito ngayon ang magsasabi na dumaan si Travis sa tinatawag na fashion crisis. Every inch of him looks like a model.

Nilapitan niya ito. “Hey…”

Agad na lumingon naman ito sa kanya. “Hi,” nakangiting bati ni Travis sa kanya.

“Ready ka na ba para mamaya?”

Tumitig ito sa kanya. “Yeah. Ikaw?”

“Well, ang totoo’y medyo kinakabahan ako. Pero andyan ka naman. Alam kong hindi mo ako pababayaan, right?”

“Well, of course,” sang-ayon ng binata.

Naglakad-lakad sila sa dalampasigan hanggang sa marating nila ang isang nakatumbang puno ng niyog. Halos humalik na iyon sa lupa. Magkatabing naupo sila doon.

Nakatuon ang mga mata niya sa asul na dagat at pakiramdam niya ay ganoon din ang ginagawa ng binata.

Confessions of a Fashion Blogger [COMPLETED]Where stories live. Discover now