CHAPTER SEVEN

1.2K 67 5
                                    

 

WALA siyang narinig from Denver for almost a week. Inisip na lang niyang baka busy ang lalake although at the back of her mind-- alam niyang medyo nasaktan ito.

“At ikaw, nasasaktan din, ganun ba?” tanong ni Christine sa kanya habang nagla-lunch sila sa Greenbelt.

“Hindi naman sa nasasaktan. More of-- nalulungkot. Kasi parang nasanay na rin naman ako sa friendship namin.” Totoo naman yun.

Dati kasi, paggising pa lang niya sa umaga, bumabaha na ng text messages sa phone niya-- at whole day yun. Hanggang sa gabi ay may natatanggap siyang messages mula kay Denver. Kahit hindi niya nasasagot ang iba ay okay lang naman sa lalake. Naiintindihan naman daw nito na busy din siya sa trabaho.

“Nanghihinayang din kasi ako. Minsan lang naman ako magkaroon ng kaibigang lalake.”

“E kasi nga pinagbabawalan ka rin ni Miguel.”

“Alam mo naman yun, seloso.”

“Lalo pa sigurong magseselos yun kapag nalaman niya itong friendship mo kay Denver.”

“Kaya nga naisip ko din na baka tama lang na huwag na muna kaming magkita or mag-usap. At least, pareho kaming makakaiwas.”

“Pero sad ka naman.”

“Ganun talaga e. You can't have everything naman di ba?”

“Oo. Tama lang yan. May Miguel ka na nga, tapos may Denver pa? Aba Trisha, abuso ka na!” biro ni Christine sa kanya.

HANGGANG sa makauwi ng bahay that night ay medyo malungkot pa rin siya. Katatapos lang niyang maligo nang tumunog ang doorbell niya. Nagtataka siyang bumaba.

“Miguel?” Nagulat siya sa lalake. Ang alam niya ay nasa conference ito sa Tagaytay.

“I lost my keys. Ni hindi ako makapasok sa sarili kong townhouse,” natatawang wika nito pagpasok. Pahiram naman ng susi mo.

“Sure. Kunin mo na lang diyan o,” aniya sabay turo sa susi na nakasabit lang sa may gilid ng pinto. “Mabuti pala at may spare key ka dito.”

Umupo si Miguel sa sofa saka itinaas ang mga paa. Isinara naman niya ang pinto dahil naka-bathrobe lang siya. Akmang aakyat na siya sa taas para magbihis nang magsalita si Miguel.

“Puwedeng makiligo dito? Di pa kasi nalilinis yung banyo ko, kakapalit ng mga tiles.”

“Ayan ang CR, may shower din diyan.” Itinuro niya ang CR sa baba, saka umakyat na.

Pero mas gusto pala ni Miguel na sa kuwarto niya maki-shower. Hindi na siya umangal-- tutal nakita niyang pagod ang lalake. May sampung minuto ding nag-shower si Miguel saka lumabas na nakatapis lang.

Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon