EPILOGUE

2.2K 94 18
                                    







BAGO matapos ang isang buwang bakasyon ni Denver ay nagpakasal sila ni Trisha. It was a simple civil wedding ceremony na dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak. May ilang nagtanong kay Trisha kung bakit biglaan ang pagpapakasal nito. May nagsabi ding baka whirlwind romance lang ang lahat. Natawa na lang siya dahil kung tutuusin— ilang taon na din naman silang magkaibigan ni Denver. At kung ang lalake ang tatanungin— he fell in love with Trisha noong una pa lang silang magkakilala.


Nang bumalik sa London si Denver ay isinama nito si Trisha at doon na muna sila nagstay hanggang sa makapanganak ang babae.


Hindi naman tumigil sa pagsusulat si Trisha, in fact, isang bagong nobela ang inilabas nina Lucielle kasabay ng panganganak nito.


Eksaktong isang taon simula nang ikasal sila ni Denver ay bumalik na ng Manila si Trisha kasama ang anak nila. Sa Doha, Qatar na uli naka-base si Denver. Kahit weekly naman itong nakakauwi ng Pilipinas ay nagdesisyon na rin itong tapusin na lang ang kontrata. Lilipat na daw ito sa ground operations para mas mahaba ang oras na makasama ang mag-ina.


Bumalik uli si Christine sa Quiapo para muling magpahula. Sinamahan uli siya ni Trisha- this time ay para magpasalamat.

Journey of LoveWhere stories live. Discover now