CHAPTER THIRTEEN

1.3K 64 1
                                    


"ANONG ginagawa mo dito?" Ni hindi na nabati ni Trisha ang publisher na nakaupo at nakatingin sa kanila. Nakatayo sa may gilid nito si Lucielle, na malapad ang pagkakangiti.


"Sabi ko sayo, babalikan kita di ba?"


"Babalikan sa London, oo. Pero dito sa Pilipinas, wala kang binabanggit! Saka, nasaan na ang mapapangasawa mo?"


"We broke up."


"Ha? Di ba engaged na kayo?"


"Well, mahabang istorya. Ipapaliwanag ko nalang siya sayo."


"Sabihin mo na kung ano ang sinabi sa amin kanina! Dali!" sabad ni Lucielle na hindi nakatiis.


"Anong dapat mong sabihin? Saka bakit nandito ka? Wala ka bang trabaho?"


"I'm on leave," sagot ni Denver.


"Bakit?"


"Para asikasuhin ang isang importanteng bahagi ng buhay ko."


"Andami mo pang pasikot-sikot!" Naiinis na wika ni Trisha, although biglang kumabog ang puso niya. Kabog na bonggang bongga!


"Nandito ako para ligawan ka."


Hindi agad nakapagsalita si Trisha sa sinabi ni Denver. Di ba't engaged na ito? Tapos nag-break. At ngayon, liligawan siya? Adik ba ito?


"Sagutin mo na siya!" sabad uli ni Lucielle. This time, ang publisher naman niya ang nagpatahimik sa babae.


"Alam mo, mag-usap tayo. At hindi dito."


"Mabuti pa nga," sabay na wika ni Lucielle at ng publisher nila.


Natawa si Trisha kahit nate-tension.



NAKALABAS ng maayos sina Trisha at Denver sa kabila ng panunukso ng mga taga-publication, sa pangunguna ni Lucielle. Sa kotse palang ay nagtanong na ang dalaga.


"So anong kuwento?"


Tahimik na pinaandar ni Denver ang sasakyan. Impatient na si Trisha pero nagtimpi siya. Ilang minuto na silang nasa kalye nang magsalita ang lalake.


"Hindi na ako natahimik simula nang magkita tayo uli sa London. Lalo pa nang sabihin mong wala na kayo ni Miguel."


Matagal na akong hindi natahimik simula nung umalis ka, sa loob-loob ng dalaga.


"Pero hindi ka na nagparamdam. Hinintay pa naman kita doon."


"Magulo kasi e. I made a big mess. Siguro kasi selfish ako... gusto kong unahin ang sarili kong kaligayahan. Ayoko naman kasing maging unfair. I knew I was in a wrong relationship... nandun ako.. kasi... kasi akala ko, wala na tayong pag-asa. Matagal na kitang mahal, alam mo yun, di ba?" Nilingon siya nito.


Hindi nakapagsalita si Trisha. Saglit silang nagkatinginan ni Denver. Saka niya ibinaling ang atensiyon sa labas ng kotse.


"Sinabi ko sa kanya na nagkita tayo uli." Alam ng dalaga na ang tinutukoy ni Denver ay ang fiancee nito. "Nagalit siya. Alam kasi niyang ikaw ang mahal ko, noon pa man."


Saglit na natahimik ang binata, patuloy lang ito sa pagda-drive. Nakita ni Trisha na nasa may Roxas Boulevard na sila.


"Hindi na siya natahimik. Everytime na tutunog ang cellphone ko, ina-assume niyang ikaw yun. Kapag hindi niya ako nako-kontak, iniisip niyang magkasama tayo kahit hindi naman. I tried to make things work... pero hindi na talaga. Lagi siyang susundan ng anino mo. At ako din."


"So kasalanan ko?" sa wakas ay nasabi ni Trisha. May ngiting namumuo sa mga labi niya.


"Kasalanan ko... kasalanan ng puso ko kasi ayaw niya talagang magpapasok ng iba kahit ipilit ko. Ikaw lang yata ang kilala nito." Hinawakan ni Denver ang kamay niya. "Look, I know this is all too sudden. May isang buwan akong bakasyon dito. We can take it slow if you want."


"Paano siya..." Naisip niya ang babaeng dapat sana ay pakasalan ni Denver.


"Di ba sinabi ko na kanina pa? We broke up. Para na din sa ikatatahimik ng lahat." Tumigil ang kotse ni Denver sa harap ng Starbucks, kung saan sila pumunta noon.


"Tatanggapin mo ba ako?"


"Hawak mo na nga kamay ko, di ba?" biro ni Trisha.


Natawa si Denver. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo.


"I'll make it up to you. Promise."


Naisip ni Trisha ang London. Doon ba siya titira? Pero kahit saan, basta kasama si Denver. Okay lang. Napangiti siya.


Journey of LoveWhere stories live. Discover now