CHAPTER THREE

1.3K 66 3
                                    

THREE weeks na simula nang magkakilala sila ni Denver sa premiere night. Panay text at tawag ang ginagawa sa kanya ng lalake. Hindi naman siya nagpapahalata kay Miguel- ang rason niya- wala naman siyang ginagawang masama kundi nakikipagkaibigan lang.

“Alam mo Trish, curious na ako sa Denver na yan,” angal ni Christine. Nasa Rockwell sila at katatapos lang mag-lunch. Nagkakape sila ngayon sa Star Bucks. “Guwapo ba?”

“Model type. Matangkad- mga 6'1, maganda ang katawan. Guwapo. Bagets pa.”

“Naku, ang mga ganyang bagets ay mapupusok pa! Di kaya jowa yan nung talent agent na sinasabi mo? Kadalasan ganun di ba?”

“Hindi naman. Disente naman itong si Denver. From what I learned, based doon sa mga text messages ha? Hindi naman sila mahirap or yung typical na pamilya na siya ang bread winner. They have a restaurant business somewhere in Valenzuela.”

“Talaga?”

“Yeah. Nakita ko din naman ang FB niya--” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil biglang sumabad si Christine.

“Stalker ka!” Akusa nito sa kanya.

“Nagcheck lang naman ako,” agad na paliwanag niya. “Tiningnan ko lang naman ang mga photos. Middle-class naman sila so I don't think he's the type na... alam mo na.”

“May girlfriend ba?”

“Ewan ko. I never asked.”

“Walang girl sa FB photos niya?” Umiling siya.

“Pero kung may girlfriend yun, siguro naman hindi siya text ng text no!”

“E bakit ikaw? May boyfriend pa-- pero nakikipagtext. At babae ka ha!”

Namula siya sa tinuran ng kaibigan. Ayaw niyang ma-guilty pero mali ba ang ginagawa niya?

“Sumasagot lang naman ako kapag nagtetext siya,” depensa niya sa sarili.

“Hmp! Bahala ka na nga. Malaki ka na,” natatawang wika ni Christine.

AFTER a month ay nakatanggap siya ng bagong assignment. Hindi siya makapaniwala na out of the 6 staff writers sa diyaryo nila ay siya ang napili para magtungo sa Germany para um-attend ng prestihiyosong Berlin International Film Festival! Dalawang linggo siyang mananatili sa Berlin para manood ng mga pelikula, mag-interview ng mga filmmakers at magreview ng mga gawa ng mga ito. Of course hindi niya pinalampas ang opportunity at agad siyang naghanda para sa kanyang trip.

“Huwag mo akong ipagpalit sa mga Germans ha?” bilin sa kanya ni Miguel nang ihatid siya nito sa airport.

“Sira! Ano naman ang akala mo sa akin?”

Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon