Chapter 11

101 9 2
                                    

Cherish

Ewan ko kung bakit bigla akong naduduwag na sabihin sa kanya.

Ethan, ayoko ng gulo. Ayoko sa attensyon na makukuha ko kapag nagpatuloy na ganito tayo. Na ganito ka sa akin...

Nyeta, parang namang may namamagitan sa amin sa sinasabi ko. 

Pa'ano nga ba sabihin sa isang kaibigan na hindi na kayo pwedeng maging kaibigan? Sa kaso namin ni Ethan, hindi naman kami magkaibigan. Pero kung makalapit at makipagusap siya sa akin parang hindi kami tumigil maging magkaibigan noon pa.

"My driver is at their province." biglang pagsasalita ni Ethan sa tabi ko. Binalingan ko siya. 

Tumukhim siya at nilagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng pantalon ng uniform.

"His daughter caught Dengue." he said.

Awkward akong tumango. "Komusta... " simula ko at nahuli na ang buong katawan niya ay nakaposisyon paharap sa akin. May biglang kumalabog sa dibdib ko.

"A-ang anak niya. Komusta?"

"Ayos na man na daw. Kailangan lang ng pahinga pa. Malayo ang probinsya nila Kuya Bado, eh... Kaya medyo alanganin bumalik pa siya sa amin araw-araw."

Tumango ako ulit. Nawawalan ng sasabihin. Nang makuha ko ang punto kung bakit niya sinasabi sa akin ito ngayon ay wala sa sarili akong napangiti.

"Kaya ka narito, ulit?" tinignan niya ulit ako. Mas mariin ngayon. Ano bang tinitignan niya sa mukha ko? May marumi ba?

"Dahil walang susundo sa'yo?"

"Oo." kumunot ang nuo niya ngayon na nakatingin sa akin.

"Ethan." pukaw ko sa kanya. Nasa bibig ko nakatitig ang mata niya! Hindi ko alam kung may ikapupula pa ba ang mukha ko!

Nag angat ang tingin niya sa akin. Gulat na nabisto sa ginawa niya. Nanlaki ng bahagya ang mga mata niya at agad na nagiwas ng tingin.

Bumaling ako sa kalsada na alam kong namumula na naman. Doble ang takbo ng dibdib. Ayokong tignan siya! Alam kong namumula parin ako! Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Naalala kong tinignan niya ang labi ko. Ang tuyo at mapusyaw kong bibig. Binasa ko iyon. Argh!!! Bakit niya iyon ginawa!?

Kaya ko ba? Kaya ko ba sabihin ngayon na layuan niya na ako? Dito? Pagkatapos niya akong... pakiligin bigla?

Bakit biglang ang hirap gawin?

"Ash... tungkol kanina sa may restroom..." binalingan ko siya. Huminto si Ethan ng pagsasalita na tila nawawalan ng salitang bibigkasin. Lumunok siya at tumikhim. Hinintay ko siyang magsalita.

"About what Ellie said to you... and, and when I told you that you're not getting away from me..." tumigil ulit siya, dinadama ang magiging reaksyon ko. Nang hindi ako nagsalita ay nagpatuloy siya.

"I'm sorry," bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Nakatungo ang ulo ni Ethan sa harap ko. Bakit siya mags-sorry doon?

"What I said sounded wrong, it was kind of controlling and I hate it. Hindi kita dapat pinapangunahan." 

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Pero isa lang nararamdaman ko, ang unti-unting pagtunaw ng puso ko sa kanya. Kasabay ng paglusaw ng araw; ang paglalaban ng kadiliman at liwanag sa gitna ng hindi matigil-tigil na daloy ng oras at kilos ng mga tao, ngunit ang akin ay parang tumigil. 

Hindi ko alam kung sinong Ethan ang kausap ko ngayon. Iba sa palaging naririnig ko sa dumaan na panahon. Basagulero. Maraming babae. Bully. Hindi marunong makiramdam. Noong elementary nga namin ay napapaiyak niya lahat, ma pa babae man o lalake.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now