Prologue

494 13 0
                                    

I was six years old when I first met my nightmare. But unlike any other nightmares, this one came to me at first like a dream. A fairytale. Like a prince in his whitehorse saving me from a dull life.

But I refused to get on his whitehorse. I refused to be saved. Because I can save myself. I don't need a castle so I can say I have a good life. I don't need to be called a princess to satisfied.

Buong buhay ko, isa lang ang gusto kong mangyari. Ang matulungan ang mga magulang ko. Bilang panganay sa tatlo pang mga kapatid, maagang nahulma sa isipan ko na dapat magsumikap ako, dapat magtagumpay ako sa lahat ng gagawin ko. Dahil isang mali lang, maaring madamay ang kinabukasan na pinapangarap ko para sa pamilya ko.

Okay lang naman magkamali. Pero natatakot ako sa posibilidad na mali pala ang ginagawa ko ngayon na akala ko'y tama. Na akala koy ikabubuti ng sarili ko at sa mga plano ko. Pero maigi rin ang magkamali para matuto. Nakakalito mang isipin pero ganon ako mag-isip. Sino ba namang hindi natatakot magkamali?

Siguro hindi tayo takot magkamali, takot tayo sa mga resulta noon, kasi maaring sa isang iglap mawawala lahat ng pinaghirapan mo.

Mahirap lang kami at masyadong malaki ang pangarap ko. Kaya nakakatakot talaga magkamali.

"Kaya ikaw... Magsikap kang makatapos. Gagawin namin ng papa mo ang lahat para makapagtapos kayong lahat at makapagpatayo ka ng bahay na ganito ka laki! " ito ang laging sinasabi sa akin ni Mama mula pa noon. Sa mura kong edad, naniwala akong maganda iyon, magiging masaya sina Mama at Papa.

"Ganito lang ka laki?! Mas malaki pa dito ang gusto ko, Ma!" sagot ko.

Sinama niya ako dahil walang magbabantay sa akin, sina Esme at Kim na kina lola. Kinurot ni mama ang pisngi ko lalo at hinalikan iyon pagkatapos.

"Kahit anong gusto mo anak, matutupad kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral." sabi ni Mama.

Narito kami sa harap ng malaking bahay. Sobrang laki na parang kasya yata ang bahay namin dito ng tatlo o apat na beses. Naglalabada si Mama rito kada sabado hangang lunes, depende sa kakailanganin.

Pumasok na kami sa iyang silid na Maids Quarter daw pero parang hindi naman pang maid lang, kasi pati ang silid na iyon kay magarbo parin ang mga palamuti ang gamit.

Baka higit pa rito ang sa mga silid ng
may-ari nito! Woah... Sana makagala rin ako sa loob ng main house gaya ni mama. Kaso di daw dapat nakikita masyado ang mga katulong o ang mga kasama nila kaya dito daw muna ako sabi ni Mama.
Ayos lang naman, may dala naman akong lumang camera ni papa na pwede mapaglibangan. Medyo luma na nga lang ito at hindi pa maganda ang brand. De film pa kaya naglagay pa ako ng film para magamit iyon.

Dahil ignorante pa sa mga bagay na nakikita ko. Kinuhaan ko iyon ng retrato. Kahit vases, dividers, at sofa! Sobrang ganda parin kahit na masa maid's quarter lang ako.

Mayamaya lang, may tumawag sa akin. Inayos ko na ang camera ko sa sling sa leeg. Medyo sanay na akong tawagin rin ng ibang maids rito. Mga nasa limang beses na yata akong nakapasok sa bahay na 'to. Pero ni isang beses hindi ko pa nakikita ang may-ari o ang pamilya niya.

Pinapatulong ako ni Ate Elma na maghiwalay ng vegetables and fruits. Sumunod ako at lumabas sa kitchen ng bahay.

Paglabas ko nung malaking kwarto napanganga nalang ako. Para akong nasa mamahaling hotel na pinapasukan dati ni papa! Pwede pa lang ganito din ang bahay? Yung parang hotel din?

Ang yaman nila... Sa kusina pa lang ako pero parang mas malaki pa to sa buong bahay namin. May oven, tatlo pa tapos ang lalaki pa. Parang pwedeng magluto ng malaking cake doon na pang birthday.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now