Chapter 10

108 8 0
                                    

Stranger

Sabado at kakagising ko lang ay isang tawag agad ni Ate Dianne, iyong kasama ko rin sa trabaho, ang bumungad sa akin. May trabaho mamaya. Isang event daw ng syempre mga nasa nakatataas na antas ng sociodad.

Magpapaalam agad ako kay Papa pagkatapos naming mag-almusal. Nahirapan pa ako dahil kay Radley, nasa gilid ko at halos matutumba na siya sa upuan, gusto pang matulog.

"Antok pa 'ko, Ate." maktol niya.

"Anong oras ka ba kailangan roon?" si Papa, naka-taas ang tasa ng kape, nasakabisera siya ng maliit na lamesa namin.

Madalas tahimik lang si Papa, pero sobrang mapagmahal naman at mapag-aruga sa amin lalo na kay Mama. Medyo pilyo lang. Pero sa mga ganitong sitwasyon, natatakot ako sa sasabihin niya. Pakiramdam ko hindi niya ako papayagang makalabas mamaya.

"Alas sais pa naman ang call time, Pa. Pwede pa akong tumulong mag-laba--"

"Hep hep! Anong tumulong?" medyo napalakas ang paglapag niya sa tasa niya. Napatigil ako sa pagsasalita, ang mga kapatid ko, patuloy lang sa pag-kain.

"May iba ka namang mga kapatid na pwedeng tumulong sa akin, ha? Ano, papagurin mo sarili mo rito sa bahay tapos magpapagod ka rin dyan sa trabaho mo?" seryoso ang mukha ni Papa. Pero parang gusto kong matawa! Huhu. Minsan lang kasi siya seryoso, madalas pilyo at napakajoker.

Inayos niya ang antipara sa mata niya at humingang malalim.

"Ang hirap naman kapag single-Dad!" dramatikong sabi ni Papa. Ginulo niya bahagya ang buhok niya.

Hindi ko na mapigilan magngiting aso. Sina Kim at Esme, kita ring gusto nang matawa. Madalas kasing tinutukso kay Mama ni Papa ang linyang iyon. Dahil nga mas madalas si Papa rito naming nakikita kay Mama.

"Susumbong kita kay Mama, Pa! Sa sofa ka matutulog mamaya!" sabat ni Kim.

Sumeryoso ulit ang mukha ni Papa na tumingin sa banda nila Esme at Kim. Ang dalawa naman, parang takot na.

"Ikaw ang magtutupi ng mga nilabhan mamayang gabi, Kimberly." pasimpleng uminom ng kape. Nagtakip ako ng bibig, dahil kung hindi, tatawa na talaga ako.

"Pa naman-" si Kim pero agad pinutol ni Papa.

"Kumain ka na lang diyan... Ito naman, di mabiro."

Humupa ang kantawan at bumalik sa akin ang pansin ni Papa. Seryoso ulit at alam kong papangaralan na naman ako, gaya ng laging ginagawa ni Mama.

"Ate..."

Umayos na si Radley na kumain at bumaling ako kay Papa. Seryoso ang pagkasabi niya kaya nag-iisip na ako ng idadahilan dahil sa pagpapart-time ko. Pero nablanko ang isip ko sa tinanong niya.

"May manliligaw ka na ba?"

Kung may iniinom lang ako ngayon ay nabulunan na ako. Hindi man lang hininaan ni papa ang boses niya kaya narinig tuloy siya ng mga kapatid ko. Shock pa ang reaction ng dalawa kong kapatid na babae.

"Wala naman po, Pa. Wala rin akong plano para sa mga iyan." nauutal kong sabi. Sumubo ako ng isang pirasong cookies na para sana kay Radley, biglang kinabahan.

Tumango lang si Papa. Pero may pahabol na tanong.

"Eh nung isang gabi, galing ka kina Brent, may kasama ka raw na lalaki eh, sabi nila Lito. Sino yon?"

Napalunok akong nakatingin kay Papa. Mas lalong kinakabahan. Shet. Hindi ko alam anong sasabihin o iisipin man lang. Sino ba namang hindi nakakakilala sa mga Hiralde? At paano kung sabihin kong si Ethan iyon? Ayoko ng maraming tanong!

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now