Chapter 03.2

125 10 0
                                    

"Magpapaluto ako kay Mama pagkatapos ng intrams, sa amin tayo mag-dinner ha... " yaya ni Brent. Na wala naman sa amin ang tingin dahil hinahanap na si Jia sa paligid.

Sumangayon naman kami at bumalik na ako sa pwesto namin kanina para kunin na ang bag ko at case ng camera.

Napahinto ako dahil nakita ko si Ethan na nakaupo sa upuan katabi ng mga bag namin ni Gion. May nakasukbit na tuwalya sa balikat niya at kasalukuyan niyang pinahiran ang pawis niya habang umiinom ng tubig.

Tatalikod na sana ako nang nagabot ang mga tingin namin. Nanaman. Na para bang hinihintay niya talaga na tignan ko siya.

Wala sa sarili akomg umirap sa pinag-iisip ko at nagpatuloy maglakad papunta doon. Hindi naman siya kumibo at nagpatuloy sa pagpapahinga niya. Ako rin, in-off ko ang camera ko, tinangal ang battery at pinalitan ng isang bago. Magcha-charge ako mamaya. Hinubad ko muna ang sling at binalik iyon sa case nito.

"Are you mad?" nagsalita ang nasa tabi ko.

Nakaupo siya habang ako nakatayo lang na nililigpit sana ang mga gamit namin ni Gion.

Tinignan ko siya at nakita sa mukha niya na parang wala lang ito. Na tinatanong niya ako. Na parang magkaibigan kami.

Ayaw kong pansinin ang nararamdaman ko. Matagal ko na iyong kinalimutan. Akala ko mababaon sa limot ang galit na nakimkim ko. Akala ko mawawala iyon sa tagal ng panahon at sa takbo ng buhay ko. Pero talo parin ako. Alam ko. Pero alam kong dapat lumaban ako.

Kahit sobrang nakakasakal ang katotohanang kilala ko siya. Malaki ang utang na loob ng pamilya namin sa pamilya nila. Kahit anong angat ng pangalan ni Papa, kasukbit iyon ang katotohanang inirekomenda lamanh siya ng Mommy ni Ethan. At kahit anong sipag ni Mama sa trabaho, dala dala ang mga sali-salita na nakapasok lamang siya dahil kilala siya ng may-ari.

Nakakasakal mabuhay sa puno ng utang na loob na hindi namin hiningi. Na hindi ko hiningi.  Alam kong dapat magpasalamat ako. Totoong nagpapasalamat ako na may tumulong sa amin. Pagod na nga lang ako. Pero hindi ko na dapat iyon iniisip. Bumabalik lang kapag nakikita ko si Ethan, lalo na kapag tinitignan niya ako.

"Diba ikaw nakapulot ng wallet ko kahapon? Inabot mo sa akin pero hindi ko tinangap? Na sa'yo pa ba? Did you keep it?" diretsong tanong ko para matapos na 'to at hindi ko na siya kailangan harapin.

Tumitig lamg ako sa tuwalya niya. Para kuno nakatingin ako sa kanya.

"Yeah. eventhough it looks cheap and so ready for the trash bin, I kept it. Baka kailangan mo ang mga laman n'on." may halong inis ang pagsabi niya sa huling linya.

Sinipat ko siya sa mata. His eyes are playful. Nag-eengjoy sigurong insultohin ako.

"Oo, kailangan ko. Kaya gusto ko sanang makuha na iyon sa'yo agad para wala nang marumi na matatabi sa mga gamit mo." balik ko diretsong nakatingin sa mata niya.

Sinara ko na ang zipper sa bag ko at sa camera. Binitbit ang isang bag ko.

Bored siyang tumango. "Yeah. Sure, nadala ko iyon ngayon. Nasa locker room." tumayo siya at tinignan ang mga dala ko. Kumunot ang nuo ko.

"Huwag ka muna umalis. Ako nalang kukuha. Babalikan kita." sabi niya. Pero wala akong tiwala sa kanya. May feeling akong hindi niya ako babalikan. Kaya sumunod ako sa kanya at dinala na pati ang case ng camera.

After nito, maglu-lunch na kami nila Jia, Sean at Brent. Babalik na sa normal lahat.

May isang building sa tabi ng faculty, kung saan malapit ang oval, at nandon ang locker rooms ng mga varsity. Ng soccer at ibang field sports. Malaki ang mga hakbang ni Ethan kaya sobrang layo ko sa kanya ngayon. Nagmamadali pa siyang pumasok sa isang room habang ako papunta pa lang.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now