Chapter 06.2

86 10 0
                                    


Gumaan ang loob ko nang hindi na kumibo pa si Ethan. Lumapit ako sa bintana at binuksan iyon, agad na pumasok ang maaliwalas na simoy ng hangin, kinakalma ako.

Nasa dulong bahagi ng campus ang building ng Junior High School ang likod nito ay ang man-made forest na ginawa ng original administration ng school about fifty years ago. Kaya mahangin talaga banda dito ng campus.

Wala ng bisa ang mga complaints after 1 day. Bukas hindi na ako pwede hulihin dahil may events ako buong araw, kaya hihintayin ko na lang mag ring ang bell, hudyat na tapos na ang ikatlong araw ng intramurals. Yan ay kung hindi ako mahuli ngayon.

Nakatulong ang simoy ng hangin at iba ko pang iniisip para makalimutan ang nararamdaman ko kanina.

Oo, inaamin ko. Kahit hindi na kami close nitong si Ethan, ewan ko, pero paglipas ng mga panahon na lumalaki kami, mas nagwagwapuhan ako sa kanya. Babae rin ako, no. Natural na talagang magkakaroon ng lalaking nagwagwapuhan. Hindi naman ako bulag para hindi makita iyon.

Actually, sa mga nakalipas na taon, wala naman akong pakealam na sa kanya. Iniiwasan ko lang ang makasalubong siya kasi parang... Awkward. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, sasabihin o iaakto. Kahit tignan siya iniiwasan ko.

Kahit siya ang hindi na nangpansin sa akin, hindi naman ako galit sa kanya. Ang babata pa namin noon, wala na rin akong paki kung ang rason niya noon ay ganoon parin ngayon. Karapatan niya naman iyon, ang piliin ang kung sino ang magiging kaibigan niya.

Isang ring ng phone ko ang nagwala sa mga iniisip ko. Si Sean ang tumawag at agad kong sinagot.

"My god! Ria, asan ka? Are you fine? May kasama ka ba? Girl! Matitiris kita!" mataas na tono na bungad ni Sean. Nasa malayo siguro to kina Jia, dahil talagang beks na beks ang tono niya.

Umismik ako.

"Ayos naman ako, nasa third floor ako ngayon, hindi ko lang alam anong section ng grade 9 itong napasukan namin."

"Namin? May kasama ka? Sino?" agad na tanong ni Sean. Nyeta.

"Uh... Tinulungan lang ako..." alanganin kong sagot.

"Sino?"

"S-si... Ally...iyong clubmate ko sa Gazette." pagsisinungaling ko.

"Huh? Iyong chinito ba? Eh... Nakita ko siya sa opisina niyo nang hinanap kita doon."

Kumakabog na ang dibdib ko sa kaba. Naka-ilang kagat narin ako ng labi ko na para bang malulutas ang problema kong kawalan sa matinong palusot.

Nilingon ko si Ethan, nakaupo sa isa sa mga upuan. Naka-phone. Humarap ulit ako sa bintana.

"Ria... Sino kasama mo?" seryosong tanong ni Sean.

Lumunok ako. "Tinulungan lang nga ako..." pagkaklaro ko.

"Sino nga ang tumulong sa iyo?"

Napakamot na ako ng ulo. Hindi ko sasabihin na si Ethan Theodore Hiralde, ang pambansang ghoster at retired bully, na childhood friend ko ang kasama ko. Ang tumulong sa akin.

Magsisinungaling ba ako kay Sean? Halos nasabi na ni Sean lahat ng tungkol sa kanya sa akin. Pero ako halos wala. Alam lang niya na may tatlo pa akong kapatid at sinusubukan kong tumulong sa mga magulang ko. Wala nang iba.

"Dyan ka lang. Susunduin kita dyan after ng bell." sabi niya nang hindi na ako sumagot. Narinig kong nagbuntong hininga siya.

"Okay." tanging nasabi ko.

"Okay. Huwag kang masyadong kabahan, girl. Feel the moment, okay?" alam kong tumatawa na ito sa kabilang linya. Lakas talaga ng radar!

"I hate you." sabi ko pero hindi ko mapigilang ngumiti.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now