WYBHBM ~~ Chapter 14

284K 2.9K 130
                                    


Heira POV


"Ate Heira, okay ka lang ?"


"oo nga, Heira . Parang ang tamlay mo."


Magkasunod na puna saken nina Xandrea at Ate Xandra. Sino ba namang di magiging matamlay kung buong araw mong hindi nakita yung taong inaasahan mong makita bawat oras. Chos. Bawat oras talaga ?


Ang ginawa ko, ngumiti na lang ng pilit ."okay lang po ako." sus. Parang ang plastik ko na ah. Nagsisinungaling na ko sa kanila. Nagsisinungaling pa ko sa sarili ko. Magandang gawain to.   

-__________-


"nami-miss mo na si kuya ,no? Aminin !" okay. Ang transparent ko po talaga. Pansin agad ako ni Xandrea. Di ako umimik. Alangan namang i-deny ko pa , bistado naman na ko. Magmumukha lang akong defensive.

Totoo yun, Miss ko na si Xandrei. Buong araw ko syang di nakita. Gabi na ngayon.Wala pa din sya. Nahihiya naman akong magtanong kina ate Xandra kung saan pumunta si Xandrei.

Kaninang uwian, si Rhei ang naghatid sa akin. (Si Anne kasi hindi ulit sumabay- may hinala ako na kasama nya si Cyfer . Si Luke naman hindi talaga nakasama. Ayaw ni Rhei .) Hindi ako sinundo ni Xandrei. Inaasahan ko namang bago mag-dinner uuwi na sya pero tapos na kaming lahat kumain, hindi pa sya dumadating.

Tambay tuloy kaming tatlo nina Xandrea at Ate Xandra dito sa living room. Naghihintay pa din sa kanya. Kasi naman e . Bakit ba sya nagpapagabi ? Nag-aalala tuloy kaming lahat. Lalo na ko. Nasanay ako na lagi lang syang andyan kahit pa nga ba ilang araw lang kaming magkasama. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, masasanay ka talaga. 

"ang mabuti pa matulog na tayo. Baka hindi makauwi si Xandrei ngayon."sabi ni Ate Xandra.

Whaaaaat? T______T Seryoso ? Baka di daw makauwi si Xandrei ngayong gabi. Di ko na napigilang magtanong. 

"Nasaan po ba si Xandrei ngayon?"

"The truth is di ko rin alam pero may feeling ako na hindi sya uuwi ngayon ."

"Badtrip naman yon si kuya. Hindi rin nagpaalam sa akin 'yon a."

"Hindi po ba sya nag-text o tumawag man lang ?" tanong ko. Sabay na umiling ang magkapatid. 


Haaay.Xandrei , nasaan ka na ba?

"Ate Xandra, hindi kaya . .nakidnap na yon si kuya?"

"Alam mo, Xandie, we better sleep na kasi lumalala na yang imagination mo."


"Imagination? E paano po kung tama yung hinala ko?"

"Tama na nga yan. Puro ka kalokohan. Mana ka talaga sa'ken." lumingon saken s Ate Xandra.


"Heira, matulog ka na din. 'Hwag mo nang hintayin si Xandrei. Uhm, kaya mo na bang maglakad ?"

"o-opo." hindi naman na masaki na masakit ang paa ko. Medyo kumikirot na lang pag napu-pwersa.


"So, pano ? Matutulog na ka mi ha. Matulog ka na din , Heira. Goodnight."


"Goodnight, ate Heira."

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon