Prologue

12.6K 341 10
                                    

May mga bagay at pangyayari na hindi natin maiiwasan na mag bago.

tulad na lang namin ni Miko na DATI sobrang close at halos hindi mapaghiwalay. Mag kapit bahay kami at magkatapat pa ang kwarto namin natatandaan ko pa nuong mga bata pa kami madalas tumutulay siya sa malaking puno ng acacia para tumawid at dumaan sa bintana ng kwarto ko at ang nakangiting mukha niya ang bubungad sakin tuwing umaga...

Ngunit isang araw pinaputol na ng mga magulang namin ang puno ng acacia na yon. At kasabay non ang tuluyang pagputol ng ugnayan naming dalawa.....

tandang tanda ko pa ang sinabi ng mama ko: "WAG NA WAG KA NA KITANG MAKIKITANG MAKIKIPAGLARO AT LALAPIT SA MIKO NA YON! MASAMANG IMPLUWENSYA SIYA! KATULAD LANG SIYA NG MGA MAGULANG NIYA MGA MANLOLOKO!"

At dahil masunuring bata ako. Linayuan ko na nga siya. Sinubukan niyang makipag lapit sakin pero lumalayo na ako. Nahihirapan ako ngunit kelangan ko sundin ang mga magulang ko. Buti na lang at umalis kami. Nalugi kasi ang negosyo namin at napagdesisyunan ng magulang ko na lumipat sa probinsiya. Nakabangon naman kami muli at bumalik sa dati namang bahay.

Ngunit sa pagbabalik namin? Ang dami ng nagbago....


NGAYON?


Siya? Isa na ngayong sikat at tinitiliang campus hearthrob ...

Ako? Isa na ngayong pangit na nerd na pinagmamasdan na lang siya mula sa malayo.

ang awkward naman diba at pangit tingnan kung magiging close pa kami at magkasama tulad ng dati.

at isa pa alam ko naman na hindi ako bagay sa kanya. Kaya ako na mismo ang dumistansya masaya na ako na masilip ko lang siya sa bintana ng kwarto ko pag gabi. At alalahanin ang mga happy memories namin nuong mga bata pa kami.

Inaamin ko simula bata pa kami espesyal na siya sakin at ngayon na mga dalaga at binata na kami alam ko na lumalim ang espesyal na nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko siya. Pero alam kung suntok sa buwan kung hihilingin ko na bumalik pa kami sa dati......



Pero....




Hindi naman naman masama mangarap diba?


You Belong With Me ♥(Complete)Where stories live. Discover now