♥.♥ Special Chapter ~ 02

6.2K 174 10
                                    

C/N: special thanks to the person behind little Miko's  voice...

3G LUKIE  :">

Miko and Sabrina's Pov when they were still in  Grade 4:)) Medyo mahaba itong chapter na ito pambawi ko sa inyo hehehehe :"> 

sorry sa pag aantay but here it is...

Sana kiligin kayo kasi ako? Kinileeg noong sinusulat ko tohh!! >_<

~♥~ 

Sabrina's Pov

Natigilan ako ng makita ko si Miko na kasama ang pinaka maarte naming classmate na si Ashley habang nagaaral sa library.  Anong ginagawa ni Miko kasama si Ashley?

"Crush ni Ashley si Miko at balita ko din may crush din daw si Miko kay Ashley." Napatingin ako sa pinaka chismosa naming classmate na si Mae na ngayon ay kasama ko dala-dala ang ibang libro na pinapabalik ng teacher namin sa library. "Pero alam mo? Parang hindi din kasi tingin ko may crush sayo si Miko pero sabi niya noon ng mahuli ko siyang nakatingin sayo, wala daw kasi best friend ka niya kaya siguro totoo nga ang balita na si Ashley crush niya.

Muli akong tumingin kina Miko at Ashley na masayang nag aaral saka bumaling kay Mae. "Oo tama ka si Ashley crush ni Miko imposible naman na maging crush ako ni Miko kasi best friend niya ako saka lagi niya kaya akong inaasar na mukhang ungoy samantalang pag nandiyan si Ashley lagi siyang nakangiti." sabi ko na lang kay Mae na hindi ko napansin na malungkot na pala ang tono ng boses ko. Mapang asar tuloy siyang ngumiti sakin.

"Bakit malungkot ka? May crush ka kay Miko ano? Isusumbong kita!"

"Uyy wala ah! Best friend lang kami!"

"Weh sa gwapo ni Miko hindi ka man lang nag ka crush sa kanya?"

"Peksman!" 

Tinaasan ko pa ang kamay ko na parang nanunumpa. Tinaasan naman ako ng kilay ni Mae and throw me a look na parang hindi naniniwala.

"Liars go to hell?"

Napaisip ako masama nga mag sinungaling pero sabi ng pinsan ko na si Ate Sarah na mas matanda sakin ng ilang taon minsan hindi naman daw masama magsinungaling lalo ang tawag doon white lie.

"Oo nga hindi ko siya crush!" defensive na sagot ko habang nilagay ko ang isang kamay ko sa likod at nag cross fingers.

~♥~

Sa loob ng ilang araw ay napapansin ko na hindi na kami madalas mag kasama ni Miko katulad ng dati dahil ang madalas na niyang kasama ngayon ay si Ashley gusto kong magtampo sa kanya pero naiisip ko na as he's best friend dapat suportahan ko na masaya siya ngayon kasi madalas niyang makasama ang crush niya na si Ashley. Saka naiisip ko din na dahil nga sa ilang taon na ako lagi ang kasama niya ay baka nagsasawa na siya. Maybe I am his girl bedt friend pero hindi naman habang buhay na ako lang ang kasama niya diba? That thought saddened me guto ko kasi hanggang pagtanda kasama ko si Miko.  Teka? Ano ba itong iniisip ko ang bata bata ko pa!

"Sabrina hindi muna ako makakapunta sa inyo Sunday ah? Pupunta kasi ako kina Ashley ininvite niya ako sa bahay nila para doon mag lunch." Excited na sabi ni Miko sakin habang naglalakad kami papunta sa front gate para antayin ang susundo samin. 

Sunday? Anong date yun? Diba best friends day namin? Every year kasi ay nag ce-celebrate kami ng occasion na para saming dalawa lang we called it best friends day ako naka imbento noon para icelebrate ang pagiging mag best friends namin every year para sakin bukod sa Christmas ay yun ang pinaka favorite na occasion ko. Nakalimutan na ba niya na importante sakin ang best friends day? Ganon na ba kahalaga sa kanya si Ashley para kalimutan niya ang pagiging mag best friends namin?

You Belong With Me ♥(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon