♥.♥ Chapter 29 ~ Rumors

6.6K 226 2
                                    

Sabrina's Pov

Ilang araw ko ng napapansin ang mga kakaibang titig sakin ng mga girl students dito sa WU. Parang may galit sila sakin na hindi ko naman alam kung bakit sila magagalit? Simula ng nag ayos ako ng sarili ko ay wala ng nambully sakin hindi na din ako pinagtatawanan minsan pa nga may nakikipag kaybigan pa sakin pero parang biglang nagiba ngayon parang may problema sila sakin. Minsan nga may nahuhuli ako na masamang nakatingin sakin tapos bigla na lang magbubulungan.

"Ang landi pala niyang si Sabrina ano?"

"Oo nga ano? Ang kapal ng mukha niya na agawin si Miko kay Nathalia."

Natigilan ako sa pag faflush sa toilet bowl at pinakingan na lang ang ang pinaguusapan nga mga babaeng naririnig ko mula dito sa toilet cubicle. Sabrina? Ako ba yung tinutukoy nila?

"Kawawa naman si Nathalia nakipag break tuloy si Miko sa kanya."

"Kung hindi ba naman kasi siya nilandi ni Sabrina. Kala mo di makabasag pingan yun pala nasa loob ang kulo."

"Siguro kaya nag paganda yan si Sabrina para malandi niya si Miko at maagaw kay Nathalia?"

"Grabe hindi na siya nakuntento kay Trigger. Pati ba naman si Miko na may girl friend na haharutin pa niya? Nakakainis!"

"Ang landi niya grabe! She is such a slut!"

"Wag na nga natin siya pag usapan nasisira lang ang araw ko!"

"May isusuot ka na ba para sa Valentines Ball?

Wala sa sariling lumabas ako sa cubicle ng marinig ko na lumabas na yung dalawa babaeng naguusap. Break na si Miko at Nathalia? At ako ang dahilan? Ni hindi nga kami nagkikita na ni Miko simula ng marinig ko si Trigger at Nathalia na naguusap ah? Saka diba kung nag break sila dapat si Trigger at Nathalia ang sinisisi kasi si Nathalia yung naging unfaithful? I felt bad pa nga for Miko kahit we are not in good terms pa din at nagtatampo ako sa kanya ay d ko pa din maiwasan na hindi magaalala sigurado ako nasaktan siya sa ginawang panloloko sa kanya ng girl friend. Gusto ko man siyang kausapin ay hindi ko naman alam kung papaano. Nasa malalim ako ng pagiisip ng may mabanga ako na isang babae. Si Janela isa sa mga kaybigan ni Nathalia.

"Sorry hindi ko sinasadya." Sincere na paghingi ko ng patawad hindi ko na matagalan ang masamang tingin niya sakin kaya nag pasya na akong umalis pero marahas niya akong hinawakan sa braso.

"Alin ang hindi mo sinasadya ang pag papaiyak mo sa kaybigan ko? Kay Nathalia?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Naguguluhang sagot ko.

"Wow ah! Ang galing mo pala umacting! Yung tipong inosente at walang alam ayon pala MALANDI!"

"Hindi ko talaga alam ang-"

"Don't act like your innocent! Umiyak si Nathalia sakin ang sabi niya nakipag break daw si Miko sa kanya dahil sayo! Dahil nilandi mo siya at inagaw!"

"Hindi totoo yan!"

"Sinungaling kang malandi ka!"

Nagulat ako ng sinampal niya ako ng malakas napahawak ako sa pisngi ko. Naguumpisa na din magkumpulan ang mga estudyante sa paligid ko habang nagbubulungan. May dalawa pang lumapit na babae na tingin ko mga friends din ni Nathalia.

"Diba siya yung malanding mangaagaw?" sabi ng isa sa mga dumating na babae kulot ito at may makapal na red lips tick sa labi.

"Sinampal mo Jannela? Dapat hindi mo yun ginawa!" sabi naman ng isa na maiksi ang buhok at mukhang matapang. "Dapat ganito ang ginawa mo." Lumapit siya sakin, nagulat ako ng hablutin niya akosa buhok ko at tinulak dahilan para ma out balance ako mapasalampak sa sahig. Tumunghay ako sa kanilang tatlo na taas kilay na nakatingin sakin. Habang ang mga estudyante sa paligid namin ay nagtatawanan.

You Belong With Me ♥(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon