17𝚃𝙷 𝙵𝙰𝙱𝙻𝙴: 𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶

91 14 0
                                    

Ang inyong mababasa ay haka-haka lamang at malayo sa reyalidad. Ang mga karahasan na inyong mababasa ay hindi totoo sa totoong buhay sapagkat ito lang ay haka-hakang kwento ng buhay ni Tipaklong. Salamat. Mag-enjoy lang kayo sa pagbabasa. Salamat ulit.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ang Duwag na Tipaklong at ang mga Venus Flytrap"

Ang kwentong ito ay nagsimula sa panaginip ni Tipaklong.

"Huwag! Huwag! Please! Maawa kayo sa akin!"

"Ano?! Diba ikaw naman ang naunang umatake sa akin! Ah! Tipaklong! Kinagat mo ako sa loob ko! Buti nga nakalabas ka pero malas mo dahil nadamay ng aking asido ang iyong pakpak."

"Una mo siyang sinaktan! Kaya iniligtas ko lang siya, higanteng Venus flytrap."

"Bakit? Pagkain ko na siya dahil, nakuha ko na siya. Pero, um, dahil nandiyan ka na. Ikaw nalang ang kakainin ko. Hindi mo siguro alam na pwede kong igalaw ang aking ulo at kakainin kita. No choice eh, itinakas mo ang kakainin ko sanang langaw. Kaya heto, ikaw na ang kakainin ko, um."

"Hindi, hindi. Please maawa ka."

Mabilis na ibinuka ng higanteng Venus flytrap ang kanyang mapanganib na trap at sumigaw si Tipaklong.

"Hindiii!!!"

Nakagising nga si Tipaklong at napansin niyang isa itong bangungot.

"Oh, anak, nabangungot ka na naman ata," sabi ng nanay ng tipaklong.

"Opo inay, iyon nanaman ang napanaginipan ko, ang kinain ako ng Venus flytrap dahil sa pagligtas ko sa langaw," sabi rin ni tipaklong.

"Hay naku anak, hindi totoo iyang panaginip. Sa tingin ko hindi mo kayang magligtas kung sakaling may mapapahamak sa Venus flytrap," sabi naman ng kanyang nanay.

"Oo nga inay. Pero noong iniligtas ko ang langaw ay hindi ako makapaniwala dahil ang alam ko ay hindi ko kaya pero sa aking panaginip, lahat ay kaya kong gawin pero hindi ko makontrol ang bangungot kaya kinain ako non," takot na sinabi ni Tipaklong.

"𝑴𝒚 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 2 (𝙲𝚘𝚖𝚙𝚕𝚎𝚝𝚎𝚍)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon