16𝚃𝙷 𝙵𝙰𝙱𝙻𝙴: 𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶

99 14 0
                                    

Ang istoryang ito ay haka-haka at gawa-gawa lamang ng awtor. Hango lamang ito sa malikot na kanyang imahinasyon. Maraming Salamat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ang Paligsahan ng Milagro"

Noong unang panahon ay may isang taong nagngangalang Thomas.

Siya ay isang magbubukid at mahilig siyang magtanim ng kamatis.

Siya ay may asawa at ang pangalan nito ay Misaka.

Siya ang tumutulong kay Thomas kapag nagtatanim ang kanyang asawa ng mga kamatis.

Ngayon nga ay namamasyal sila sa bukid para tignan ang kanilang tanim na kamatis.

Sa araw na ito ay malalaki na ang kanilang kamatis at malapit nang mamulaklak ang mga ito.

Habang sila'y namamasyal ay may tinanong si Misaka sa kanyang asawa.

"Mahal, nabalitaan mo na ba ang paligsahan?," sabi ni Misaka.

"Oh, hindi pa. Bakit? Anong paligsahan nanaman iyon?," tanong ni Thomas.

"Narinig ko lang sa mga tsismosang kapitbahay natin, may paligsahan daw ng mga gulay o prutas. Kung sino ang kasaling may pinakamalaking gulay o prutas, siya ang mananalo," sabi ni Misaka.

"Palagi naman tayong natatalo, mahal. Huwag nalang tayong sumali. Last year nga natalo naman tayo sa paligsahan ng pabigatan ng gulay o prutas," sabi ni Thomas.

"Ano ka ba mahal! Natalo lang tayo last year, bibigay ka na agad. Okey lang namang matalo basta sinubukan natin. Kaya ngayon sasali ulit tayo sa paligsahan. Malay mo, manalo na tayo," sabi ni Misaka.

"Uhm, sige na nga. Para sa iyo ito, mahal. Sana manalo na nga tayo. Pero ano ang pangalan ng paligsahan?," tanong ni Thomas.

"Ito ay Paligsahan ng Milagro," sabi ni Misaka.

"Ba't ang layo sa tema, last year nga "Paligsahan ng Pabigatan," ba't ngayon "Paligsahan ng Milagro," Ano ang kaugnayan non?," tanong ni Thomas.

"Hindi ko rin alam," sabi ni Misaka.

"Kailan gaganapin iyan?," tanong ulit ni Thomas.

"𝑴𝒚 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 2 (𝙲𝚘𝚖𝚙𝚕𝚎𝚝𝚎𝚍)Where stories live. Discover now