Memories 05

35 6 3
                                    

Memories 05: A Told Chaos 

"Tama na nga 'yan," sita ko kay Raven at Katherine na busy sa paglalaro sa isang claw machine.

Halos buong kalahating araw na kami sa loob ng amusement center at sa tingin ko ay wala pa ring balak umuwi si Katherine. Tinotoo nga ni Raven ang pangako niya kay Katherine na ipapasal niya ito at kinabukasan, pagsikat pa lang ng araw ay kumakatok na siya sa pintuan namin. I don't know if Katherine has an idea that his uncle will visit him that early because the moment Raven knocked on our door, Katherine was already awake.

"Nage-enjoy pa yung bata, hayaan mo nga kami." Raven annoyingly looked at me. Tinaasan ko siya ng kilay at hindi siya pumalag doon. "Epal ka talaga."

"Ah ako pa ang epal? Raven naman, mag ga-gabi na." sabi ko at tinignan ang pag-konti ng tao sa loob ng amusement center. "Nagugutom na 'yan si Katherine, akin na." sabi ko at kinuha sa braso niya si Katherine na marahan na humihikab.

"Magbe-breastfeed muna ako," tinignan ko si Raven na naka-tingin sa aming dalawa ni Katherine. Umiwas ako ng tingin bago hinigpitan ang hawak kay Katherine. "Sige, libre mo 'ko ng pagkain, ha?" nakakaloko ko siyang nginitian at wala siyang nagawa kung hindi umirap at tumango na lang.

"Chat mo na lang ako kapag naka-order ka na, hehe." Sabi ko at kinuha ang bag na pinaglalagyan ng mga gamit ni Katherine sa balikat niya. "Promise, saglit lang 'to."

"Oo na sige na, alis na kayo." Simangot na sabi ni Raven. "Kath-kath, pakabait ka ha, huwag kang gagaya sa mommy mo. Demonyita 'yan kapag ako lang kasama, huwag kang gagaya d'yan." Bilin niya sa anak ko at napairap na lang ako nang tumawa si Katherine na para bang sang-ayon sa sinabi ni Raven.

Hindi ko na ulit siya pinagbigyan ng pansin bago ako nag-desisyon na lumabas na ng amusement center at dumiretso na sa breastfeed station sa loob ng mall.

Hindi kami nag-tagal sa loob ng breastfeed station ni Katherine dahil sa unang pagkakataon, para bang busog na busog siya at hindi na ako nagulat doon dahil napalapit na ang loob niya kay Raven lalo na't alam niya na nagiintay lang si Raven sa amin.

I just received a chat from him saying that the foods were already served. Nang maayusan ko na si Katherine, kinuha ko na ang bitbit ko na bag bago dumiretso sa fast food chain na pinuntahan ni Raven.

I can feel Katherine's excitement as I first took a step on the fast food restaurant na sinabi sa akin ni Raven. Pero halos magulat ako nang makita ko si Raven at si Lucas na para bang handa ng magsapakan. They almost have the same height and same body built. They were both standing while glaring at each other.

Handa na sana akong pumigil sa kanilang dalawa when I saw one woman stopping both of them from punching one another.

"Ano ba kayong dalawa!" Danielle shouted angrily at both of them. "Hindi na kayo bata!"

Raven's first love. Danielle.

"Babe..." Lucas whispered at Danielle's ears. Danielle glared at him and I felt my heart aching when I saw the expression on Raven's eyes as he looked at the couple in front of him.

Wait... couple?

"Ano ka ba, Lucas." Iritang sabi ni Danielle kay Lucas. She clung her arms at him confirming that they are in a relationship.

Is Lucas cheating... on Danielle?

Hindi si Danielle ang babaeng nakita ko na kasama ni Lucas nug araw na iyon. Hindi naman pwede na mamali lang ako ng tingin dahil ang tagal kong pinanuod si Lucas at ang babaeng kasama niyo nung isang araw. I can't be mistaken.

For the first time, I felt that I was lucky because Lucas didn't bother to take a responsibility of what we have done.

Tumikhim ako bago nagpasiya na lumapit na sa direksyon ni Raven. I can feel people's eyes on us but I don't care. Wala akong ibang maisip kung hindi ilayo na lang si Raven dito, it's been a year but I know how sincere Raven's feelings for Danielle. I wanted him to get out of this hell, Raven's feeling was always transparent and it hurts me to see him like this. As a friend, I was always with him every time he was having a hard time.

"Raven, tara na." bulong ko kay Raven at iniwasan ang tingin ni Lucas at Danielle bago hinawakan ang braso ni Raven para isama siya sa paglabas ng lugar na ito. Ayaw ko nang gumawa ng eskandalo dahil kasama ko ang anak ko at para matahimik na ang buhay ko.

"Oh, so you're dating my ex-girlfriend now because I got your first love?" Lucas chuckled annoyingly. Hindi ko siya pinansin at pinilit na hinila si Raven pero nang marinig niya ang sinabi ni Lucas, para bang desidido na si Raven na patulan si Lucas dahil hindi ko na siya mahila.

"Wala kang alam kaya manahimik ka." Raven talked for the first time. Sinubukan ko ulit siyang hilahin ngunit hindi siya nagpapalag sa akin. I looked at Danielle and saw her looking at my baby.

Tinignan ko si Katherine at halos makahinga ako ng maluwag nang makita ito na mahimbing ang tulog.

"Wow, you even got my ex-girlfriend pregnant... huh? Were you that jealous?"

Narinig kong napasinghap ang mga tao na nakikinig sa amin.

"Raven, halika na nga." Pinilit kong hilahin ang braso ni Raven papalabas ng lugar na ito at napasinghap ako nang binawi ni Raven ang braso niya sa pagkakahawak ko para suntukin sa mukha si Lucas.

"Raven!" napa-sigaw ako dahil sa ginawa ni Raven. I tried stopping them but I know it'll be dangerous, lalo na hawak-hawak ko si Katherine sa braso ko.

Raven held Lucas' collar while looking at him with a lot of rage in his eyes.

"You're still a jerk, Lucas." Raven said while panting. I looked at Lucas and saw him holding his cheeks where Raven punched him. "You don't deserve to be a part on your ex-girlfriend's life." Diniinan ni Raven ang salitang ex-girlfriend bago binitawan si Lucas.

Galit na umayos ng tayo si Raven at pinuntahan ang direksyon namin. "Give me, Katherine." His voice sounds serious and cold. I never saw him like this.

Nang makuha niya si Katherine sa braso ko, walang emosyon na nilingon niya si Lucas na dinadantayan ni Danielle. I tried looking down so Lucas and I couldn't see each other clearly.

"Once you insult my woman in front of me again, I swear on my daughter's life, you'll not be able to live again." Raven said straight on everyone's face.

"Raven..." bulong ko dahil hindi ko alam ang pinagsasabi niya.

Nagpahila na lang ako kay Raven nang hinila niya ako papalabas ng lugar kung nasaan si Lucas. He held Katherine tightly like he was protecting my child.

"Bakit mo ginawa 'yun?" I madly asked him. "Sana hindi mo na lang pinatulan. Edi sana hindi ka pa pinahiya nu'n."

"He was the one who needs to be humiliated." He said. "I did that make him realize how precious you were." 

polaroid of our memoriesWhere stories live. Discover now