Memories 02

79 6 1
                                    

Memories 2: A Innocent Smile Written All Over Her

I smiled when I saw you looking at me like I was the only girl you'll ever care about.

Ngunit agad din akong natauhan nang maramdaman ko ang luha ko na pumatak sa aking pisnge. I wasn't having a nightmare, I wasn't even dreaming. Kung pwede nga lang tawagin na panaginip ang mga bagay na nakikita ko ngayon, sana nga ay panaginip na lang ang lahat.

Nang sa ganoon, matakasan ko lahat ng sakit at kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Hindi ko alam na mas masakit pala na makita ang unang tao na pinagbigyan mo ng buong sarili mo na ngumiti sa ibang babae lalo na't alam mo na hindi na ikaw 'yung tao na iyon. Nang hindi ko na kinaya ang sakit ng dibdib ko, pinilit ko ang sarili ko na ngumiti at nagpasya na lang na umalis na sa lugar kung saan kami rati tumatambay kapag umuuwi kami galing sa university.

He used to give me that jacket whenever we're at this place, busy waiting for Sweet Chaos to play their music. Now, I was just watching the girl wearing that jacket while his arms were around her. Hindi ko napigilan ang pag-hikbi ko at bigla na lang npatakip ng mukha. I wanted to cry but I know that I don't have times for this.

Ano naman 'yan, Agnes.

Matanda ka na, alam mo na ang tama at mali. Mali yung mga bagay na ginagawa mo ngayon, masaya na nung tao. Huwag mo nang pakielaman. Hindi ka na parte ng buhay niya, okay? Wala na kayo.

Wala na.

Ang sakit.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na wala na kami.

Bakit ganoon?

Pinalitan niya ako na parang isang mumurahing laruan lang.

Nakakatawa lang na para ba noon, nung hindi pa siya naging parte ng buhay ko, okay pa ang lahat. Ayaw ko sa lalaki eh, wala akong balak mag-boyfriend o mag-asawa. Pero bakit gano'n, akala ko 'yun na eh. Akala ko siya na yung taong magpaparamdam sa'kin na hindi lahat ng tao sa mundo ay mga gago.

'Yun pala, kasama rin siya sa mga kulto nila.

Tangina, nalingat lang ako saglit, may kahalikan nang iba.

Ang mas masakit, mas pinili niya yung babae na kahalikan niya nung gabi na 'yon kaysa sa akin.

Kaysa sa akin na dala-dala ang batang akala ko kukumpleto sa pagmamahalan naming dalawa.

Nakakatawa ka naman, Agnes. Pagmamahalan? Sa'n banda?

Siguro pwede pa sa panaginip mo.

Umiling ako bago mahina na tinapik ang pisnge ko dahil bumabalik na naman ako sa pagiging tanga ko. May batang naghihintay sa'yo, Agnes. Huwag ka nang mag-drama diyan at hinihintay ka na ng anak mo.

Mabilis na kinuha ko ang sling bag ko sa counter ng mini bar dito sa kanto ng baranggay namin at pinunasan na ang mga luha ko. Hindi naman ako uminom, simula nang maging ina ako, minsan ko na lang maisip ang sarili ko. Halos lahat ng atensyon ko ay natungo sa anak ko, nang mahawakan ko ang mga maliliit na daliri niya nang pinanganak ko siya, pinangako ko mismo sa kanya na hinding-hindi ko paparanas sa kanya ang buhay kung saan maghihirap siya.

Kahit kailanman, hindi hiniling ng anak ko na mabuhay sa mundong ito. She didn't owe me anything, in fact, I was the one who owes her anything. Ayaw ko siyang mahirapan kapag nagkamuwang siya sa mundong ito. And I shouldn't do something that will make her miserable someday.

I shouldn't be the one chasing. Hindi ko dapat ginagawa ang bagay na ito. Siya ang nagloko sa aming dalawa kaya dapat siya ang nagiging miserable ngayon, he was the one who cheated and I shouldn't be doing this. Wala naman siyang pake sa taong nabuo naming dalawa kaya bakit ko siya pagbibigyan ng pansin ngayon?

Pagka-labas na labas ko ng bar na iyon, halos mapasalampak ako sa malamig na semento na kumumpleto pa ng sakit at poot na nararamdaman ko ngayong gabi. Ngayon ko lang siya muling nakita simula ng pinutol ko ang lahat sa aming dalawa ng gabi na 'yun.

I wasn't thinking of anything when I ended up things between us because I swear, he doesn't deserve my tears at all. But the thought of I'm gonna have to raise that baby alone, with no one by my side scares the hell out of me.

Hindi ko kayang mabuhay mag-isa na may alagang bata, I was just 19 years old that time. Hindi pa ako handang maging ina. Me having to be a mom in that age scares me, me having to stop my studies because I supposed to take care of my baby scares me.

Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa para sa bagay na iyon. Kaya kung alam mo sa sarili mo na hindi mo pa kaya, you need to protect yourself. Learn to love yourself first before giving your all to one person. Hidni mo alam ang motibo ng tao na 'yun, hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip nila kaya kailangan mong mag-ingat.

Handa ko nang isuko ang buhay ko ng gabi na iyon but I immediately realized how wrong I was that time that I was able to save my innocent baby because if I didn't, we would be dead right now. The same night I broke up with Lucas, the same night I almost ended my life with my innocent baby inside my tummy.

Hindi ako nagsisisi na nagkaroon ako ng babae na nagpaparamdam sa akin ngayon kung gaano ako katatag at magandang babae.

Ang bagay lang na pinagsisisihan ko ngayon ay kung bakit siya pa ang naging kahati ko ng dugo sa anak ko. Pero hinding-hindi ako magsisisi na sinilang ko sa mundong ito ang anak ko.

Nang mahimasmasan ako at nabalik sa reyalidad, nanginginig ang kamay na kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag ko at tinignan ang litrato ni Katherine na kakakuha ko lang kaninang umaga bago ko siya iniwan sa kaibigan ko na si Loraine. She was wearing a cute blue dress with a huge smile written all over her face.

Makita ko lang ang ngiti niya, parang lahat ng problema ko sa buhay ay pansamantalang nawala.

My child's smile made me forget my problems better for a meantime than the liquor Lucas and I drank that time.

The time my parents received the news that I was pregnant with my Katherine, the time when they disowned me as their child. Wala akong matakbuhan nung mga araw na pinalayas ako ng mga magulang ko sa bahay namin maliban kay Loraine. She was there at my weakest state, she was the only one who helped me when I needed someone's help the most. I tried talking to Lucas' parents about it but they just called me delussional.

Lucas knew about my child, but he just doesn't care at all.

Why am I even here?

He doesn't deserve us anymore.

I should left this place and take care of my cupcake, Katherine.

This will be the last time.

"Is that your daughter?" a man's voice behind me talked. Kunot noo na tinignan ko ang nag-salita sa likod ko at halos mapasinghap nang makita ko kung sino ang lalaki na nag-salita sa likod ko ngayon.

"Raven..."

polaroid of our memoriesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ