Memories 03

53 5 0
                                    

Memories 03: A Lost Polaroid Film


"Raven..."

"Agnes? Is that you?" Raven looked at me like he didn't expect to see me today. Like, he actually does.

Ngayon ko lang ulit siya nakita. It's been 5 years but he's still the same. He was still the boy I used to take pictures with.

"Raven!" I excitedly shouted before standing up then running towards him.

He smiled widely at me before welcoming me to his arms. It's been 5 years and his hugs feels the same. Walang pinagbago, he was still the Raven I used to know.

"Wala pa ring nag-bago sa'yo ha, ang tangkad mo pa rin!" pabiro kong tanong kay Raven.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at mapangiti nang mapansin ko na tumangkad lang siya ng kakaunti at nag-iba na ang postura. At higit sa lahat, mas lalo siyang gumwapo. Pabiro ko siyang tinusok sa tagiliran nang mapansin kong nakatitig lang siya sa akin, nang edyo nahimasmasan, saglit siyang umiling at tinawanan ulit ako.

"Pandak ka pa rin!" pabirong banat ni Raven sa akin bago malakas na tumawa. Tinaasan ko siya nang kilay bago pabirong pinalo ng sling bag ko. Mabilis siyang naka-ilag sa akin habang tumatawa. I laughed too then instantly hugged him because I freaking missed him!

"Ano bang ginawa mo aber at ngayon lang ulit kita nakita?" hindi ko alam kung bakit bigla akong naiiyak nang mayakap ko siya. Siguro dahil ilang taon na ang naka-lipas simula nang huli ko siyang nakita at naka-usap.

He's my only best friend when I was in my SHS, siya lang ang tanging kaibigan ko nung panahon na iyon. Pihikan ako sa mga kaibigan at alam ni Raven iyon kaya siguro hindi na siya mage-expect sa akin na lalawak ang circle of friends naming dalawa. Hindi naman sa pinipigilan ko siyang mag-kaibigan ng iba, hindi naman ako toxic na kaibigan kaya s'yempre hahayaan ko siyang makipag-kaibigan sa iba.

Pero bago kami grumaduate ng Senior High School, bigla na lang siyang naglaho na parang bula isang araw bago ang Graduation Day naming dalawa. Hindi ko alam ang dahilan, hindi ko alam kung bakit. Wala siyang sinabi sa akin bago siya mag-laho no'n, hindi man lang nagpaalam.

Buong Graduation Day naming noon, wala ako sa mood. Lahat ng kaklase ko ay nagkakasiyahan dahil sa wakas ay tapos na ang paghihirap nila sa school namin at ang iba ay nalulungkot habang mag-isa ako sa sulok, nagmumukmok at iniisip kung may nasabi o nabanggit ba sa akin si Raven na hindi ko masyadong naintindihan.

Buong araw no'n ay wala ako sa tamang huwisyo. Ni hindi ko man lang nakausap nang maayos ang mga magulang ko no'n dahil masyadong occupied ang pagiisip ko sa nangyari kay Raven.

Until the end of the day, Lucas went to me. Asking my family for a hand because he wanted to court me.

And that was the day where I started being miserable.

"Nakakainis ka naman!" pinigilan ko ang sarili kong lumuha. Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya dahil siguro sa mga pangyayari na nakita ko ngayong araw. Dagdag pa ang biglaan naming pagkikita ni Raven.

"Akala ko hindi ka na babalik! Tangina talaga nito!" sinamaan ko siya ng tingin bago pinaulanan ng mga suntok sa braso . "Gago ka! Nagpangako ka pa sa'kin na pupuntay tayong Tagaytay sa gabi ng Graduation natin tapos bigla kang nawala! Sabi mo pa bibigay mo sa'kin yung Fujifilm Instax mo tapos bigla kang nag-tago!"

"Sorry na nga! Sorry... May emergency kase..." natatawang sabi ni Raven bago hinawakan ang kamay ko para pigilan ang kamay ko na patuloy pa rin sa paghampas sa kanya.

"Oops, sorry. Pero?! Emergency?! Gago ka ba? Ano 'yun 5 years kang may emergeny? Huwag nga ako, Rav!" inirapan ko siya bago pinagkrus ang mga braso ko sa harapan.

polaroid of our memoriesWhere stories live. Discover now