Memories 01

206 6 2
                                    

Memories 01: A Promise That Became Real


Kung nakokontrol lang ang isang bagay, edi sana ay masaya pa rin ako ngayon. Hindi ko alam kug anong gagawin ko kung wala na siya, hindi ko alam ang gagawin ko ngayong alam kong wala na siya.

Kung nabubura lang ang mga masasayang memorya, edi sana matagal na akong masaya. Ngayon alam ko na kung bakit iwas na iwas ang mga tao sa mga bagay na nagpapasaya sa kanila, dahil minsan, ang mga bagay na nagbigay pa ng kasiyahan sa iyo noon ay dahilan kung bakit miserable ang buhay mo ngayon.

 "Agnes!" nanggaling sa baba ang matinis na boses ni Mama. Hindi ko napigilan ang sarili na mapapikit nang marinig ko kung gaano kataas ang boses ni Mama. Ano ba naman 'yan, ano na naman bang ginawa ni Tatay at nagkakaganyan si Mama?

Pikon na bumaba ako nang second floor nang maliit na bahay namin para tignan kung ano ang nangyayari sa baba namin. Ano ba iyan, hindi pa ako tapos sa pagsusulat ng bago kong nobela at nandyan na naman si Mama para utusan ako.

Pagkababa na pagkababa ko, tatanungin ko na sana si Mama kung bakit siya sumisigaw ng ganito kalakas lalo na't alam niya na tulog na halos lahat ng kapitbahay namin. Gabi na at hindi ko alam ang pwedeng dahilan kung bakit niya akong pwede na tawagin. Nakapag-hugas na naman ako ng pinggan at nakapag-walis na rin ng bahay kaya ano pa ang pwede niyang iutos sa akin ng ganitong oras? Ngunit halos mahulog ako sa huling yapak ng naka-tiles naming hagdanan nang makita ko kung sino ang kasama nilang dalawa ni Mama at Tatay. 

**

"Lucas ano na naman bang trip mo sa buhay?" kunot noo kong tanong sa kanya. Sino bang taong matutuwang makita yung lalaking naging dahilan kung bakit naging miserable yung buhay niya nung high school dahil sa pambubully nito sa akin dati? Sino ba? Wala naman.

Bakit ba siya narito? Hindi pa rin ba siya okay dun sa nasira niya na yung buong high school life ko dahil sa mga pinaggagawa niya sa akin dati?

"Hindi mo ba makita?" tumingin sa akin si Lucas na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Oo hindi ko makita." seryoso kong sabi sa kanya. "Nasaan ba? Ha? May dapat ba akong makita? Bakit hindi ko makita?"

Tinignan ko ang paligid naming dalawa at wala akong nakita dahil sa dilim ng paligid namin. Isa pa, anong oras na! 11pm na at bigla pa siyang susulpot sa bahay namin. Ang nakakapag-takha pa, anong ginawa nitong lalaking ito sa mga magulang ko at pinapasok siya sa bahay namin ng dis oras ng gabi?        

"Hindi mo ba nahahalata? Nandito ako ngayong gabi sa tapat ng inyong bahay para hingin sa iyong mga magulang ang kamay mo dahil gusto ko sanang..." tumingin ng diretso sa aking mga mata si Lucas. "manligaw."

Ngumisi ako bago siya tinawanan at tinaasan ng kilay. "Lucas, alam kong alam mo na nagsusulat ako pero tigil-tigilan mo 'ko sa pagamit ng ganyang salita." tawa ko. "Mandiri ka nga, hindi naman sa nango-offend ako pero parang ganu'n na nga. Tulog mo na lang 'yan Luks, okay? Hindi ako interesado. Sige na, bye." kinawayan ko siya bago napagpasiyahan na pumasok na ng bahay dahil nilalamok na ako rito. Psh, hindi man lang ba niya naramdaman yung mga lamok? Grabe naman siya kamanhid.

Pero bago pa man ako makapasok sa bahay namin, naramdaman ko ang malalaking kamay na humawak sa kamay ko. Umirap ako dahil akala niya siguro ay gagana sa akin 'yang mga moves na 'yan. Matanda na kami at hindi na gumagana sa akin 'yang mga 'yan. Mahilig siguro siyang manood ng romance movies at sa tingin niya ay gagana sa lahat ng mga babae ang galawan niya.

   "Agnes..." marahan niyang pinadaan ang kanyang daliri sa daliri ko at marahan din akong inikot para dalhin sa kanyang mga bisig. Mahigpit niya akong kinulong sa kanyang mga bisig at hindi ko alam na mararamdaman ko pala ang ganitong uri ng pagtibok ng aking puso. 

Para bang tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa uri ng paghahabol ko ng hininga. Kasingtangkad ako ng mga lalaki sa eskwelahan namin pero nakalimutan ko lahat ng bagay na iyon nang mapalapit ako sa katawan niya.

He gave me a bouquet of flowers before I could even let myself breathe. I don't know how to stop myself from feeling this unfamiliar kind of heartbeat and I don't even know how to get myself out of his addicting touch.

Ano ba 'tong sinasabi ko? Bakit ko kinakain lahat ng mga nasabi ko kanina?

"Naalala mo ba yung pinangako ko sa iyo dati?"

"Sabi ko sa'yo no'n, you'll be the greatest challenge for me."

"I promised that I'm gonna make that promise real, that means I have to get the price. And that price is you, I'll have to walk in those loser's shoes before I could even win you."

"And I did, Agnes. I'm gonna make that promise real. Tonight."         

polaroid of our memoriesWhere stories live. Discover now