Chapter 19: Lock

254 9 0
                                    

"W-What?"

Hinintay ko ang magiging sagot niya ngunit ngitian niya lang ako bago inabot ang kamay ko at hinila papunta sa counter. Binayaran niya ang teddy bear at ibinigay iyon sa akin nang makalabas kami ng store.

"Thank you."

He smiled. "You are most welcome."

Hindi matigil ang ngiti ko dahil sa sobrang fluffy and cute ng ibinigay niya sa akin. Nakailang kurot na ata iyon dahil sa panggigigil ko.

"I'll just go to the restroom. Wait here," he instructed.

"Okay," halos wala sa sariling sagot ko dahil abala na sa nasa harap.

"Kookie..." I mentioned the teady bear's name and giggled. "Your Daddy went to pee. We wait for him, 'kay?" Parang timang na ako dlroon habang nakaupo sa isa sa mga nakahilerang upuan.

Niyakap ko si Kookie at inilibot ang tingin sa paligid. I think it was past two p.m.. Napansin ko ring mas madami na ang tao ngayon kaysa kanina. Well, Jungkook did mention earlier that three p.m.'s the usual peak time of Namsan Tower where people flock to visit from different places.

Nawala lang ang paningin ko sa mga taong dumadaan nang isang katawan ang humarang sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Jungkook na iyon.

"Are we heading out?" Tanong ko nang mabilis na tumayo.

"Not yet."

"Not yet?"

He stared at me for a while after showing me something that made my jaw drop.

"Why do you... You bought it?!" Gulat na tanong ko nang makita ang lock na pinanghihinayangan ko kanina.

Tumango siya ngunit wala pa ring kung anong emosiyon na makikita sa kaniyang mga mata. Kung meroon man ay malabo.

"Let's seal our love with this lock."

And what he said really stopped me on my tracks. Hindi talaga ako nakagalaw ng kahit kaunti. Maging pagkurap ay hindi ko nagawa dahil sa gulat. Kung hindi ko pa siguro nabitawan si Kookie ay naging estatwa na ako roon.

"Wait..." I chuckled nervously when I bent to pick the teady bear. "What do you mean? We're not a couple."

"Well, I did tell you to go out with me so technically, we're in a relationship."

Umawang ang labi ko. Bakit hindi ko alam 'yon?!

"B-But..." Napakurap ako at tinuro ang lock. "The lock. You're not in l-love with-"

"We're succeeding, Tryza."

Napatigil ako. "Huh?"

"I am nearly over her."

"But that doesn't mean that you're in love with me. We can't seal this, Jungkook. I don't wanna be chained to my feelings to you when there's no assu-"

"But I want to."

Natigilan ako. "You want to..." I gulped. "You want to, what?"

"I'd like to be chained to you."

Nahigit ko ang hininga sa sinabi niya. Bigla akong nawalan ng mga salita at maging ang mga ingay sa paligid ay nawala. Tanging mabilis at malakas na tibok ng puso ko ang naririnig ko.

He must just be confused. Matagal siyang nagkaroon ng pagtingin kay Yeri, nasisiguro kong hindi ganoon kadaling kalimutan lang 'yon. Baka naguguluhan lang siya dahil ako ang palagi niyang kasama kaya nasasabi niya ang mga bagay na 'to.

"You must be confused." I laughed ridiculously, convincing myself.

"I am not. I admit I am not too certain but I'm sure we're winning on our plan, Tryza."

Outside That BuildingWhere stories live. Discover now