Chapter 13: Tears

321 11 0
                                    

I left the building feeling enraged and... guilty. Yes, guilty. I felt guilty for shouting at him. I felt guilty for leaving him behind. And... I felt guilty for pushing him away.

I thought that... What if I stayed inside his arms and let myself be stupid for a few minutes? That won't be too bad, will it? What if I let myself get drown by my hopes again? What if I listened? Will something change? I think nothing will do. At the end of the day, it will be always be the fact that he's in love with someone else and that I'll be stupidly hurt and crying. Kahit anong piliin ko, manatili man ako o hindi, ganoon pa rin ang magiging katapusan— masasaktan ako.

It's just that... I was so confused. Why did he hug me? And why was it like a big deal for him that I am avoiding him?

I am not gonna lie. Nabuhayan ako ng loob sa mga inaakto niya at alam kong hindi maganda iyon. Unti-unting tumataas na naman ang pag-asa ko. In the back of my mind, I was asking myself if... has he fallen in love with me? But on the other side, whenever I think of him and Yeri, it is just so impossible. He was badly smitten by her, and I know I have no place inside.

My heart breaks and my heart hurts. Sa isang banda, naiisip ko na paano kaya kung sumubok ako? I mean, wala namang mawawala, hindi ba? Kung hindi siya mahuhulog sa akin, e 'di tumigil. Kung hindi ko magagawang ipukol sa akin ang pagtingin niya, e 'di hihinto, hindi ba?

But, of course, I know that in the process of making him fall, I will fall deeper, too. And if I fail, I will end up hurting alone. I don't want to risk. I am afraid to risk.

Dahil nga maaga pa at ayoko namang umuwi na lang sa hotel dahil bukod sa wala akong gagawin doon, baka rin maisip ko lang si Jungkook dahil sa sobrang tahimik ng unit ko. Baka kung saan na naman mapadpad ang isip ko kung sakali.

Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa isang children's park. The ride took me thirty minutes.

Napangiti agad ako nang makitang may karamihan ang mga bata sa araw na iyon. Nakakaganda ng loob ang makita silang nagtatakbuhan at kita ang mga tuwa sa kanilang mga mata, gayon din sa mga mata ng mga magulang nila na nanonood.

Naglakad ako sa isang shop na nagtitinda ng ice cream. Isa ito sa mga sobra kong nagustuhan sa lugar na ito. Well, this is just my second time here, but I can say it became one of my favorites.

It was Kevin who took me here the last time. To be honest, I have known so many places because of him especially when he wasn't dating Natasha yet. Sa tuwing wala siyang trabaho at wala rin ako ay kung saan-saan ako dinadala ng lalaking iyon. Halos buong Seoul ata ay malilibot na namin. Ilang kimbot na lang ay talagang libot na namin lahat.

I was very thankful, though. Dahil sa kaniya, maraming magagandang lugar ang napuntahan ko na. Kahit walang kasama minsan ay binibisita ko ang mga lugar na iyon.

I went to my favorite spot— the swing. Mabuti na lang at wala namang bata na nakaupo roon.

I was scooping my cheese-flavored ice cream while watching the kids running back and forth. Nakakatuwa talaga silang pagmasdan. Parang bigla tuloy akong nagkaroon ng pagkakataon na ihiling na sana'y bata na lang ulit ako. Iyong bata na walang ibang iniisip kung hindi ang paglalaro at pagiging masaya. Batang hindi iniinda ang problema ng mundo at walang pakialam sa mga sasabihin ng tao. Batang hindi makakaramdam ng ibang klaseng sakit kung hindi ang sakit sa pagkakadapa dala ng pagtakbo. Batang hindi nakakaramdam ng pag-ibig sa isang tao at hindi makakaramdam ng sakit ng pagkabigo.

I sighed and continued eating my ice cream. There's no point in thinking about all these, right? My plan was to stay away, I shouldn't be thinking about this.

Nakatulala ako sa kalangitan nang may humila sa laylayan ng coat ko. Nagbaba ako ng tingin at nakita ang isang batang lalaki. Napangiti agad ako at bumaba sa swing para lumebel sa kaniya.

Outside That BuildingWhere stories live. Discover now