viiicencio

Eto nga, may kwento ako. Hindi naman lingid sa kaalaman niyo na iniba ko talaga ang ending nito kasi nawala ang original kong gawa.
          	
          	Mula XXV hanggang XLVIII ay bagong gawa ko na iyon, kaya kapansin pansin ang inconsistencies ng ibang detalye dito.
          	
          	Actually pwede ko namang sundin ang orihinal na ending pero napagdesisyonan kong ibahin nalang iyon ng very konti.
          	
          	So eto na nga. Ang orihinal na ending nito ay sobrang brutal like mamamatay talaga si Rob, si Ken at Yllios. Si Deven ang traidor at originally ay pinsan siya ni Rob at anak sa labas ni Deven. 
          	
          	Si Warren nama'y ibinunyag na asawa niya talaga si Amanda at kaya lang ito naging tauhan ni Emil dahil inakala niyang si Rob ang dahilan ngpagkamatay ng mga magulang niyang tauhan nig ama niya- which in fact ay si Emil ang gumawa. Huli na ng malaman niya at siya mismo ang nagpasabog ng bungo ni Rob sa harapan ng mga kaibigan nito.
          	
          	Basta sobrang effed up ng orihinal na ending kaya naman ay binago ko 'to.
          	
          	Wala lang gusto ko lang ikwento. HAHAHAHAHAHA

BLGrace11

@viiicencio wow that scenario would have blown our minds, but in some creepy way it would have made this a horror story, not a love story.
Reply

Sa wakas ay natapos na ang MDA II: The Lost Midnight.
          
          Sinimulan ko itong gawin noong kolehiyo palang ako, taong 2017. At ngayon, ganap na akong propesyunal ngunit ngayon ko lang ito natapos. Limang taon na din pala ang lumipas. Ang bilis lang ng panahon. 
          
          Sa totoo lang ay minadali ko na ang pagtapos ng akdang ito dahil maging ako ay natatagalan na din. Ilang kabanata din ang sunod sunod kong ginawa at in-update para lang umusad ito. Ngunit sa mukha ng katapusan, hindi ko din maiwasang malungkot. Parte ang kwentong ito ng buhay. Dala ng bawat kabanata ng kwento ko ang mga ala-ala ng kagaguhan ko sa nakalipas na kahapon. 
          
          Sa mga mambabasa ko, pasensya na kung sobrang natagalan akong tapusin itong akda ko. Sa mga readers na sumuporta, at kumulit noon sa akin para sa mga update na hindi na active ngayon, salamat at binigyan niyo ng pagkakataong basahin ang akdang pinaghirapan ko. Hindi man tayo nakaabot sa dulo ng magkasama, ay tandaan niyong andito lang ako naghihintay sa pagbabalik niyo.
          
          Sa mga readers ko na patuloy pa rin sa pagsuporta at pangungulit, salamat at hanggang ngayon ay nandito pa rin kayo. Salamat sa paghihintay at salamat sa pagtatiyaga. Hayaan niyo’t tutumbasan ko ang iyong suporta ng mas magandang kwento (at mas madalas na update.)
          
          Sa mga silent readers ko. Paramdam naman kayo please. HAHAHA
          
          At ngayon sa pagtatapos nitong librong ito ay gusto ko lang magpasalamat at pinigyan niyo ako ng pagkakataong pasukin ang imahinasyon at pag-unawa niyo. Salamat sa mga panahong dinamayan niyo ako ng hindi niyo namamalayan. Sa mga panahong sa pagsusulat nalang ako humuhugot ng lakas, salamat at pinaramdam niyo sa aking hindi ako nag-iisa sa bawat botong natatanggap ko mula sa inyo.
          
          Salamat.
          
          Maraming maraming salamat.
          
          Hanggang sa susunod na istorya!
          
          -viiicencio