Nag-umpisa akong magsulat sa wattpad year 2011. Ilang beses kong sinubukang layasan si wattpad, pero bumabalik-balik ako.

I am a frustrated writer.

Isa ako sa mga daan-daang aspiring writer na natutumba't bumabagsak sa pag-abot ng pangarap, pero bumabangon at bumabalik pa rin sa pagsusulat.

Dati, 'di ako sure kung ganun ko ba kamahal ang pagsusulat para mag-risk nang paulit-ulit, para i-let go at hindi indahin ang 'di mabilang na kabiguan at tumuloy pa rin sa lubak-lubak na daan ng pangarap, tungo sa hagdan patungo sa tagumpay na hanggang ngayon ay non-existent pa rin.

Ngayon, sigurado na ako. I am hopelessly in love with writing. Kaya kahit ilang beses ako nitong hindian, manunuyo pa rin ako.

Malay ko ba, baka bukas ay matanggap ko na ang inaasam-asam kong oo :)
  • Albay
  • JoinedSeptember 22, 2014


Last Message
jeanfrom2011 jeanfrom2011 May 17, 2015 05:03PM
@49bluetoxic  @eyem_lala salamat po sa follow
View all Conversations

Story by Jean Rose
Straight to the Point by jeanfrom2011
Straight to the Point
Random things.
3 Reading Lists