IamSheinStarr

Isang daan at dalawampung araw -- ganyan katagal ako naghintay makita at makasama ka. Mula sa unang segundo na nagtama ulit ang mga mata natin hanggang sa pagtalikod natin nung kinagabihan, hindi nawala ang kabog sa dibdib ko. Parang panaginip, parang sa utak ko lang lahat ng iyon sa nakalipas na apat na buwan. Alam ko na di ko naikubli ang mga ngiti ko dahil sa saya. Panandalian man, walang paglagyan yung galak sa puso ko. Nasilayan ko na ulit ang mga ngiti at narinig ko na muli ang tinig mo, hindi ko itatanggi na sobra ko iyon na-miss. Na-miss ko ang pagtawag mo sa pangalan ko, na-miss ko kung paano ka tumingin ng diretso sa mga mata ko habang nagkukuwento. Pero isa lang naman ang ibig sabihin ng lahat ng iyon. Isang kumpirmasyon na ikaw at ikaw pa rin. Kahit subukan kong tumingin sa ibang direksyon, bumabalik pa rin ako sa umpisa. Alam ko na di naman talaga dapat pero sa ngayon kuntento na ako na mahalin ka sa paraang alam ko. Tahimik akong hihiling na umayon sa iyo ang langit. Susuportahan ko ang magiging mga desisyon mo kahit pa ibig sabihin no'n eh malalayo ka lalo sa akin. Alam kong kaya mo. Nandito lang ako para idasal na maging tama ang direksyon na gusto mong tahakin. ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜒᜆ᜶

Masaya ako na nakausap kita kahit saglit lang. Masaya ako malaman na okay ka. Alam ng mundo kung gaano ang pangungulila at pagkamiss sayo. Maraming araw at gabi pa rin na ikaw ang dahilan ng pagluha ko. Bigla bigla pa ring sumasagi sa isipan ko ang mga sandaling magkasama tayo, hinihiling na sana maramdaman ko ulit ang pakiramdam na yon nung mga oras na yon. Alam kong hindi pwede, tanggap ko na hindi mo talaga kayang tanggapin ang pagibig na gusto ko sanang ialay sayo. Mahal kita, alam yon nang langit. Wala akong ibang hinahangad kundi ang maging ayos at masaya ka parati. Palagi kong idinadasal na matupad mo lahat ng pangarap mo kahit pa hindi ako magiging parte ng mga iyon. Hinding hindi ka na mawawala sa puso ko, kahit pa nga magkaibang mundo na tayo. Maghihilom din ang mga sugat na dulot ng magkasalungat nating direksyon. Wala akong pinagsisisihan at kahit may kaakibat na sakit, labis na ligaya rin ang naging hatid nito. Balang araw, makakatagpo rin ako ng pag-ibig na nararapat talaga sa akin.

IamSheinStarr

Isang buwan at isang linggo. Bilang na bilang ko yung mga araw na hindi kita nakikita at wala akong balita ni isa tungkol sa'yo. Miss na miss na kita simula pa nung unang segundo nung umuwi tayo non. Wala akong ibang iniisip kundi kailan ulit tayo magkakasama. Pero habang tumatagal nawawala yung pag-asa na yon. Pakiramdam ko, hindi na kita makakasama. Gustong-gusto ko na i-chat ka o i-text ka, tanungin kung kumusta ka. Pero alam ko na hindi mo sasagutin at isasawalang bahala lang. Sana ayos ka. Sana masaya ka. Gustong-gusto ko na malaman kung ano ang mga nangyari sayo nitong mga nakaraan. Miss na miss ko na yung mga kwento mo. Pero maririnig ko pa ba yon? Isang buwan at isang linggo, alam ko posibleng maging taon na ang lumipas at di na talaga tayo magtatagpo, hanggang kailan kita mamimiss? Hanggang kailan kita mamahalin sa ala-ala ko? 

IamSheinStarr

You make me feel unwanted, unappreciated, unworthy right now. I feel that way and yet I still worry about you. I am asking myself if I've been to pushy or demanding towards you. Have I ever made you uncomfortable? Have I ever made you feel suffocated? Do you hate every moment you spent with me? Do you wish you were somewhere else every time? Napipilitan ka lang ba? Gusto ko malaman kung anong totoong nararamdaman mo. Kahit pa ikasasakit ko.

IamSheinStarr

Being with you like that feels so short. I want to keep you next to me for a long long time. I know this set up will end one day. We can no longer hang out. You will pursue your dreams somewhere else and although I very much wanted to be your support and just be by your side, I know I can't. I am really sure of how I feel now. Whenever I don't see you or you're with me. My heart feels just the same. Truthfully, I know that feeling this is not very healthy. I'm not supposed to keep you around. I'm not supposed to still be in love with you like this. But I can't help but love this beautiful torture. 

IamSheinStarr

I miss you. I don't even know why I still long for your presence every day. I know very well that we can never be more than what we are right now but damn, my heart can't stop yearning for you. I can't stop thinking about your face every single moment each day that I don't see you. I always go back to the times I spent with you. I always replay every scenario in my head wishing I could feel you again like that. I love you best describes what I am going through right now and I shouldn't be in the first place.