AtashaMacapagal

Karibal ko noon boyfriend ko ngayon chapter 9 is updated

AtashCase

Jan 29 2022 
          
          "SI TIYO"  tula mula kay atashcase
          
          Kahit laging pagod. 
          
          Siya ay kumakayod.
          
          Kanyang kabutihan. 
          
          'Di matatamasan.
          
          
          
          Tigre kung magalit.
          
          Kaya'y 'wag makulit.
          
          Siya ay matulungin.
          
          Siya rin ay kukunin.
          
          
          
          Maagang nawala. 
          
          'Di kapaniwala.
          
          Kami'y nalulumbay.
          
          Sapagkat siya'y patay.
          
          
          
          Ako'y nanaginip.
          
          Siya ay nasa langit.
          
          Naway siya'y masaya.
          
          Kung nasaan man siya.

AtashCase

Dec 16 2021
          
          Ang parabula ng PAGSISISI nilikha ni atashcase
          
          May isang babae na nagtratrabaho sa europa bilang isang ofw. Hindi niya pinapahalagahan ang kulturang Asyano, dahil hindi niya ito gusto. Para sa kanya ay hindi na nararapa't pang gumalang pa sa nakakatanda. Hindi niya nirerespeto ang kultura sa kadahilanang baduy ang mga ginawang kultura ng mga Asyano. Mas gusto niya ang kultura ng mga taga Europa. Marami rin siyang nakaka-away na kapwa asyano dahil imbes na suportahan niya ang kapwa asyano ay mas sinusuportahan niya pa ang hindi kapwa asyano. Tinatangkilik niya ang mga produkto ng Europeo at Amerikano, kaysa sa gawang produkto ng mga Asyano. Alam ng mga magulang niya ang hindi niya pag-respeto sa kulturang Asyano, kaya naman hindi rin siya nirerespeto ng kanyang mga magulang, dahil doon ay muntik na siyang itakwil. Kahit ganoon siya ay mahal pa rin siya ng kanyang matalik na kaibigan. Ngunit pinagsabihan siya nito na kapag pinagpatuloy niya pa ang hindi pag-rerespeto sa kulturang Asyano ay panigurado'y magsisisi siya at maka-karma.
          
          
          
          Tila nag-dilang anghel naman ang kanyang kaibigan. Isang araw ay nakatanggap siya ng pagmamaltrato at diskriminasyon bilang isang asyano. Dahil sa pangyayaring iyon tila nasaktan siya at nagsisisi dahil hindi niya pinahalagahan ang kultura niya. hindi man lang niya magawang ipagtanggol ang kanyang kultura na asyano dahil hindi niya alam ang iba pang kulturang asyano. Sa kadahilanang tinatamad siyang alamin. Simula ng mangyari iyon ay nagbago na siya. Palagi na niyang ginagalang lahat ng makakasalubong niya, tinuturuan niya ang mga ibang tao ng kulturang asyano. Tinatangkilik niya na rin ang mga produktong pang-asyano. Nagkaka-interes din siya sa kasaysayan ng kulturang asyano. Hanggang sa tumanda siya, binitbit niya ang kulturang minsang inayawan niya ngunit bandang huli ay nanaig ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kulturang asyano.

AtashCase

Para po sa May katanungan tungkol sa account na ito o di naman kaya'y sa mga kwento ay mas mabuting sa akin kayo magbigay ng mensahe, sapagkat hindi na muling mabubuksan pa itong account na ito yun lamang po maraming salamat 

AtashCase

Hello po si atashamacapagal po ito new account ko toh kanina nagstart ako mag log in pero ayaw gumana sabi please reset your password di ko na po alam gagawin ko sayang po yung mga ginawa ko balak ko pa naman po tapusin mga kwento ko huhuhu sana May makapansin sa akin at matulungan ako 

AtashCase

@jckflt ya nga eh geh geh
Reply

jckflt

@AtashCase ah, sayang naman. Sinubukan ko lang din tumulong. Hehe. Sige, ingats na lang.
Reply

AtashCase

@jckflt tsaka tinry ko na rin d gumana nabura na nga
Reply