Ano kaya ang feeling na maging kaklase mo ang taong gusto mo? Siguro magiging soooobbbrraaannnnggg saya nun. Isipin mo, araw-araw mo makikita mukha niya tapos may inspiration kana sa school yieeee. Ako nga pala si Jasmine, nag-aaral ako sa isang private school dito sa Quezon City. Malapit siya sa ABS CBN kaya madami din artista na nag-aaral dito kasama na sila Russell Reyes, Joao Constancia, Markus Paterson, Tony Labrusca, at James Cesena. Sila ang pinaka sikat na barkada sa buong school. Kilala sila bilang "The Englisheros" sobrang lakas ng dating nila kahit saan, kahit kailan. May barkada rin ako noh siyempre. Sila Ianna, Alliah, Rana, at si Cleme. Si Ianna crush niya si Joao. Si Alliah naman crush niya si Markus. Si Rana naman crush niya si James at si Cleme crush naman si Tony. Ako naman may crush ako kay Russell. Oh siya maghahanda pa ako para sa school!