Philip Janiel Lozano. Isa syang sikat nalalaki sa paaralan nila. Maghahanap ka pa ba ng iba kung sya na ang kaharap mo?. Si Philip ay isang Heartthrob sa Woodston Academy. Isa syang mabait na lalaki. Napaka-gentleman pa. Laging pinagtatangol ang iba sa umaapi sa kanila. Sobrang sweet. Laging nakangiti kahit kanino. Sobrang talino na sobrang gwapo pa. Sa kanilang apat na magkakaibigan sya ang pinakamatino. Pero..... Nagbago lahat ng meron sya ng dahil sa isang babae na minahal nya pero pinaglaruan lang sya. Si Alleinnia Vivienne. Yung dating mabait, ngayon sobrang sungit. Yung dating napaka-gentleman, ngayon ay wala nang pakialam kahit kanino. Yung dating sweet ngayon cold na ang expression sa mukha. Yung dating pinagtatangol ang iba, ngayon binu-bully nya na. Yung dating laging nakangiti kahit kanino ngayon walang kaemosyon-emosyon ang mata. Mas malala pa sya sa mga kaibigan nya. In short, sya ang may pinakamasamang ugali sa lahat. Mababago pa kaya ang kung anong meron sya dati?