Maganda, matalino, matangkad, makinis ang balat at mapagmahal sa mga magulang. Karaniwang katangian ng isang babae na madalas hinahanap hanap ng mga lalake. Si Megan Santillan, isang dalagitang buong buhay niya pag-aaral at pamilya lamang ang kanyang inaatupag. Ngunit sa kabila ng halos perpekto niyang pamumuhay ay ang matinding sakit na kanyang naranasan limang taon na ang nakakaraan. Ano kaya ang manyayari kung makita niya ulit ang taong nanakit sa kanya ng husto? Handa kaya siyang sumugal ulit sa tinatawag na pag-ibig. Makakaya niya ba itong maipanalo o siya ba'y muling matatalo.