Sa Aming Bahay

Sa Aming Bahay

2.3K Reads 109 Votes 7 Part Story
Lawrence Tomalabcad By LawrenceTomalabcad26 Updated Nov 05

Sa aming bahay, may dalawang palikuran, limang kwarto, pitong bentilador, at walong ilaw. Napakasimple lang ng aming bahay. Ngunit hindi namin inaasahang sa likod ng simpleng bahay, may mga nakabaong sikreto. Sikretong walang dapat makaalam. Kundi baka buhay mo ang ipalit na kabayaran. Sino ang maniniwala sa aking pinagsasabi sa aking pamilya sapagkat ako ay hamak na bata palang.


Ako si Lito siyam na taong gulang, isang batang tahimik na hilig ang mapag - isa. Hindi ko akalaing dahil sa pangyayaring naganap magbabago ang takbo ng aking buhay. Ito ay dahil sa aming bahay. Halina't kilalanin ang iba't ibang kababalaghang kwento sa aming bahay. Ito ay aking nalaman sa aking kaibigang si Emilie.


Si Emilie ay walong taong gulang nang namatay sa aming bahay, lahat ng sikreto tungkol dito ay kanyang nalalaman sapagkat buhay pa siya nang mangyari ang mga kababalaghan.


Sino kaya ang pumatay kay Emilie at sa kanyang pamilya?

Halina't basahin ang mga kababalaghang kwento "Sa aming Bahay"

No comments listed yet.