Bata pa lang ay magkaibigan na si Dorina Wright at Rayneil De Lazar. Nang magdalaga at magbinata ay tila aso't-pusa, madalas kasing hindi magkasundo, pero lagi namang magkasama. Marami ang nagsasabing bagay sila at sila ang itinadhana. Pero paano kung pagkakaibigan lang talaga ang nasa bokabularyo nila? Kahit pa isinisigaw na ng kanilang mga puso ang isat-isa. Hanggang kailan sila magkukunwari, hanggang kailan nila ipagkakaila ang kanilang tunay na nararamdaman? Paano kung kailan ang inaakala nilang tamang panahon ang tila tatapos sa damdaming hindi nila pinakinggan ang bawat bulong. STARTED: 05|01|2018 FINISHED: 07|06|2019