Alam mo yun? Yung pakiramdam na bwisit na bwisit ka sa tuwing nakikita mo siya? Yung inis na inis ka sa tuwing ngingisi siya? Yung iritang-irita ka sa tuwing tatawa siya ng pagkalakas-lakas dahil napagtripan ka nanaman niya? Pero kahit na nabibwibwisit, naiinis, at iritang-irita ka sa pagmumukha niya, hindi mo mapigilan ang sarili mong hanap-hanapin siya. Hinahanap-hanap mo yung mga ngiti niya. Hinahanap mo ang tunog ng pagtawa niya. Hinahanap-hanap ko na siya. Pucha.