Akala ko kapag naging kami na, sasaya na ako. Akala ko hindi na kami maghihiwalay. Akala ko forever na pero hanggang salita lang pala. Dahil kailangan kong magsaktipisyo. Kailangan kong bumitaw para sa isang taong mahalaga sa kanya. Para sa isang taong minahal nya nung una. Kailangan kong isakripisyo ang taong mahal ko para sa isang buhay. Para sa kaligayahan ng iba. Ayokong makasakit ng tao. Kaya kailangan kong gawin to.