Title pa lang malamang sa alam n'yo na. Dahil sa rami ng bagay na tumatakbo sa aking isipan, kaysa makatakas pa ay minabuti ko na lamang na malaya itong kumawala sa aking isipan. Ang "Pau-Thoughts" ay pinagsama-samang ideya: Byahe Thoughts, Late Night Thoughts, Early (Morning) Thoughts, Rainy Thoughts, Unusual (Random) Thoughts at Hugot 101 na tumakas mula sa aking malikot na imahinasyon habang binabaybay ang daan papasok ng eskwela o pauwi ng bahay, bago matulog, pagkagising sa umaga, habang umuulan at habang walang magawa. Hindi ko kasi ugaling palagpasin ang mga ideyang umaalpas mula sa aking isipan kaya naman, heto ang kinauwian. Sana ay maibigan ninyo ang isa na namang magulong akda. Note: Lahat ng nandirito at pawang naka-post sa aking FB account, maging sa aking secret FB page.
200 parts