"May mga taong patago kung maglabas ng nararamdaman. Pilit kinikimkim ang saloobin at sa tuwing nag-iisa ay doon lamang nagkakaroon ng lakas ng loob upang lumuha. May mga taong hindi gusto na tignan sila bilang mahina, nangangailangan ng tulong, o isang kaawa-awa. Para sa akin, ang buwan ang simbolismo ng isang taong tagapakinig lamang. Hindi nangangailangan ng kahit na anong salita para iparating na hindi nag-iisa. Ang buwan na siyang tahimik pero nakikidalamhati."