Prologue Kilala ang Flower 4 o F4 bilang isang grupo na tinitingala ng sangkatauhan dahil sa kanilang kinang at kapangyarihan. Saklaw ng kanilang mga magulang ang iba't ibang malalaking negosyo sa buong mundo kaya naman hindi na kataka taka kung bakit bantog ang kanilang pangalan sa industriya at media. Ngunit bukod sa kanilang angking yaman, ay tinitingala rin sila dahil sa kanilang angking kagwapohan at nakakamatay na s*x appeal. Para silang mga diyos na galing sa mundo ng Greek, na bumalik sa moderno at mas sibilisadong mundo. Para silang mga anghel na ipinababa sa lupa sa sobrang perpekto ng kanilang katawan at mukha. Ganon kung ilarawan ng kanilang mga taga hanga ang 4 na lalake. Halos itinuring nila itong mga diyos dahil sa sobrang pagsamba nila na mas lalong nagpapabantog sa apat na pangalan nito. Ngunit sa kabila ng mala anghel nitong mga mukha ay nagtatago ang kanilang tunay na katauhan. Gokongwei International School for the Gifted Isang pinakasikat na eskwelahan sa buong asya. Isang eskwelahan na bantog dahil sa mataas na kalidad ng edukasyon. At ang eskwelahang pinapasukan rin ng F4. Sa kabila ng pagiging maamo ng kanilang mga mukha, ay nagtatago ang isang mapanganib na demonyo. Na gagawin ang lahat upang bumagsak ka sa oras na kinanti at kinalaban mo ang isa sa kanila. Susubukan mo bang kalabanin sila? Kung sa una palang ay alam mong talo ka na? Papasok ka ba sa isang eskwelahan na alam mong nanganganib ka? O hahayaan mo nalang ang kapalaran ang siyang magdikta?