sana lahat ng ito ay isang panaginip at tuluyang umalis sa aking isip. sana bukas di kana maalala para di na ulit susubukang mang abala. sana bukas ang nararamdaman ko sayo ay tuluyang mawala na. masyadong nasarapan, sa scenario na nabuo nating dalawa ngunit ikay lumisan, at ako nalang itong nahihirapan. na alisin ang sarili sa ating dating masasayang binuong larawan. eto ako ngayon pumasok pero sa aking utak kung ano-ano pumapasok,nililibang ang sarili sa usok. habang mag isa dun sa may sulok. para akong isang preso na nakagapos sa ating mga alaala na di ko alam kung kelan matatapos. masyadong nasanay sa tabi mo kaya di alam kung pano iraraos. paanong di masasaktan kung sa bawat pikit ikaw padin ang nasisilayan at nanatiling dahilan. masyadong nag pasigurado kahit di ko alam kung ikay sigurado. matataas naman ang grado pero bakit sayo bagsak parin ako? sa bawat pag galaw laging naalala ang ngiti mong nakakasilaw. maituturing ko tong isang magandang panaginip na di mababangungot pag naka idlip. salamat ikay nakilala at nabigyan halaga ang buhay ko na dati kala koy pariwara na. salamat dahil akoy minsanang napili kahit di ka nanatili. AKING MAGANDANG PANAGINIP. -randomG