I WILL UPDATE THIS PART AROUND DECEMBER OR FIRST WEEK OF JANUARY 2023 AFTER I COMPLETED SECRETS ON THE BENCH. THANK YOU Limang estranghero na may kani kaniyang pasanin ang nakabasa sa dyaryo ng panawagan. Pede daw silang pumunta sa isang malayong bayan ng Zaratoja upang libre silang makahanap ng masisilungan at kagamutan sa kanilang pag-iisip. Marami na daw umano ang nanggaling sa lugar na ito at gumaling sa kani kanilang mga pasanin sa buhay. Isa sa mga taong nagpupursige na makapunta roon ay si Sierra Marie Sta Maria. Kailangan nya kasi makuha ang "rewards" na pwede nya makuha sa pagtira ng libre sa resort, tumataginting na 13 million pesos iyon! Hindi nya malubos maisip na sa paglayo nya ay makikilala nya ng lubos si Bryne Samson. Lumalabas pala na itong yummy boy next door type of guy ay walang iba kundi ang kanyang sariling kapitbahay, na may konting pagtingin sa kanya. Ang Zaratoja na nga kaya ang lugar na maghihilom ng tuluyan ang kanyang pusong sugatan o ito ang magiging dahilan ng bago nyang pasakit? Date started: 11/22/2022