Elaine Nicole Reyes. Ako ung taong walang balak ma-inlove. Walang balak magmahal. Walang balak mag-asawa. Bakit? Simple lang, dahil hindi ko maintindihan ang pag-ibig. Sabi ng Mama ko, bago ko daw pasukin ang isang bagay, siguraduhin kong naiintindihan ko muna kung ano ung papasukin ko. At dahil sa hindi ko nga maintindihan ang pag-ibig, wala akong balak pasukin ito. Pero nung tinamaan ako ng pag-ibig, nakalimutan ko lahat ng un. Nakalimutan ko na wala nga pala akong balak magmahal. Nakalimutan ko na wala nga pala akong balak ma-inlove. Pero bago ko man maalala na hindi ko pa nga pala naiintindihan ang pag-ibig, napasok ko na. "I'm sorry. I never really meant to love you. My love was really unintentional."