Mga katanungan, mga pagkamangha sa mundong ibabaw, mga napapanahong napupuna sa lipunang kinabibilangan at mga bagay-bagay na minsan ay hindi nagpapatulog sa isang diwa kaya nananatiling mulat magdamag. Nariyan din ang mga pagsisisi't mga paghikbi sa gitna ng gabi, isali pa ang mga daing ng isang pusong namimilipit at kung ito'y dulot nga ng sakit, sa mga panaghoy mo lang talaga mababatid.