(Sequel of M. Exclusive Island Series 1: Innocent Love) "Buntis ka!" Giit niya sa akin. Lalo kong isiniksik ang aking sarili sa gilid ng kama. Kahit pilitin ko ang aking sarili na tatagan ang kalooban hindi ko pa rin magawa. Nananatiling mahina ako. Iniling ko ang aking ulo kasabay ng aking pagsinok. Umalpas ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata. Magulo ang buhok ng lalaki. Namumula ang mga mata niya. Lalo akong napaiyak nang suminghap ito at marahas akong hinigit papalapit sa kaniya. "You are! Huling-huli ka na, itatanggi mo pa!" Nagpumiglas ako sa hawak niya pero mas humigpit ang hawak niya sa akin. Natakot ako sa sobrang dilim ng mukha niya. Lalo pa't nagtatangis ang mga bagang niya. Ang mga ugat nito sa leeg ay halos lumabas na. Galit na galit ito. "N-nasasaktan ako, Doc!" Pagmamakaawa ko sa kaniya. "Anak ko 'yan!" Sa halip na pansinin ang sinabi ko. Mas pinagdidiinan niya pa na buntis ako at anak niya ang aking dinadala. "A-anak ko rin ito! Mas may karapatan ako dahil ako ang ina niya." Nalukot ang mukha niya. Alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Nanggigigil ang mukha nito at huli na para mapagtanto ang sunod niyang gagawin. Masyadong mabilis ang pangyayare. Mas hinigit niya ako papalapit sa kanya. Hinawakan niya ang batok ko at pilit na itinaas ang mukha ko sa mukha niya. Napasinghap ako. Nablanko ang aking utak sa mabilis nitong pag-atake sa nakaawang na labi ko. Ang gigil at mariin nitong pagpaparusa sa aking labi. Na para bang sinasabi niya na ito ang kaparusahan ko sa pagsuway ko sa kaniya.