"Arthur, hanggang kelan mo siya aantayin? Napakahabang panahon na ang lumipas, hindi na siya babalik pa. Madami pang ibang katulad natin na pwede mong piliin para makasama sa buhay." Nakatingin lang sa malayo si Arthur, habang dinadamdam ng kanyang mga daliri ang maligamgam na tasa ng kape. Matagal na nga na panahon ang lumipas. Pero parang kahapon lang ang lahat. Sariwa pa din sa ala-ala niya ang nakaraan. Lumingon si Arthur sa babaeng kaharap niya sa mesa na nakatingin sa kanya at nag aantay ng sagot mula sa kanya. "Minerva, madali para sayo na sabihin yan dahil ngayon kasama mo si Miguel. Masaya kayong namumuhay sa nakalipas na daang taon. Pero ako, isa lang ang gusto ko, isa lang ang mahal ko, at kailanman, hindi magbabago yun, lumipas man ang napakahabang panahon. Mag hihintay pa din ako." Napapailing na lang si Minerva habang nagpatuloy na lang itong kumain ng almusal. Napakatagal ng panahon na wala si Caridad. 300 na taon na ang lumipas. Madami na ang naganap, madami na ang nagbago. Perp siguro nga, hindi kayang baguhin ng panahon ang tibok ng puso.