Isa ang Cheng family sa pinaka respetado, mayaman at kilalang pamilya sa Beijing China. Taong 1964 ng mapunta si Wulei Cheng sa bansang Pilipinas para palawakin ang produksyon nito sa paggawa ng papel. Dito niya nakilala ang Pilipinang si Eliza Montañez, anak ni Don Crisostomo na naging unang business partner ni Wulei. Sa hindi inaasahang pagkakataon umibig ang puso ni Wulei sa binibini at hinamak ang lahat para mapangasawa ito. Kahit na siya ay isang Tsino ginawa niya ang lahat ng tradisyon ng mga Pilipino at bukod sa sipag at pursige hindi maikakaila ang taglay nitong pisikal na katangian. Singkit at may kulay abong mga mata, rosas na mga labi, maputing pisngi, matipunong katawan at bawat anggulo ng mukha ay tila prinsipe sa isang historical book sa China. Ito ang ancestor ng Cheng Family... Naging magkabiyak sila ng dalaga, si Eliza at Wulei ay nagkaanak ng isa lamang na lalaki at pinangalanang Xiaoxi Cheng. Naging mabuting anak si Xiao at naging masunurin sa magulang. Nang makatapos ito ng pag aaral sa Amerika ay bumalik ito sa Tsina para pamahalaan ang negosyong sinimulan ng ama. Hanggang sa nakilala niya ang babaeng kanyang minahal. Isa ring Tsinoy (half Filipina at half Chinese) si Meily Feng. Isa rin sa mga kilalang pamilya sa Pilipinas at Tsina ang pamilya Feng dahilan para mas naging makapangyarihan pa ang kanilang pamilya. Si Xiaoxi at Meily ay nabiyayaan ng apat na anak. Tatlong lalake sina Troi Cheng, Lao Cheng, Han Cheng at ang nag iisang babae na si Zenzhou Cheng. Nagsimula sa mga ancestor ang biyaya ng pag-ibig sa pamilya, ngunit paano kung ang magandang kwento ng lolo't lola pati na ang nakaka-inlove na eksena ng mga magulang nila ay tila kasalungat ng pag-ibig ng mga anak? Gaano katapang ang bawat anak sa hamon ni Cupido sa kanilang buhay....
5 parts